"Siguro po. Eventually, slowly, kapag nandoon na, malalaman din po natin. Matagal pa naman ang next year," says Sam Concepcion when asked if he can also go sexy like what co-Stages talent Enrique Gil did in Cosmo Bachelor Bash.

Photo: Rose Garcia

WHOLE-SAM FOREVER? Nakilala na si Sam sa kanyang wholesome image. Pero, ayon kay Sam, open naman daw siya to some changes especially as he gets older.

"Siyempre, yung mga ginagawa ko rin naman, nag-iiba rin.

"I can't just stay in one place. Siyempre, I have to constantly reinvent myself. 

"Siyempre, habang tumatanda rin ako, as I grow older, makikita rin sa mga roles na ginagawa ko. Or sa kind of music na ginagawa ko.

"Siyempre, gradually, nag-iiba rin po."

DREAM ROLE. Aminado si Sam na isa raw sa dream role niya sa teatro ay ang Peter Pan, na ipapalabas sa Meralco Theater from September 29 to October 30.

"Yeah, it's a dream come true to play Peter Pan. Especially [because] it will premiere here in the Philippines.

"It's a big production. It's the first production that Repertory Philippines and Stages will be working on together.

"It's a big production cost on the flying [scenes]. Matagal din kaming nag-rehearse. 

"Every day for two months. Mag-o-open na po kami in two weeks. 

"Kumpleto na, nagawa na po naming lahat. We're just working on doing it nang paulit-ulit."

FLYING SAM. Nakalipad na rin daw siya sa rehearsal nila.

"Actually, yun po ang palagi naming nire-rehearse. 

"Mahirap kasi yun, kailangan ng coordination ko at saka ng mga tao na nagha-handle ng flight. 

"Yung flight instructor namin, flight instructor from Vegas na nagdala rin ng machine.