Ang StarStruck V Avenger at StarTalk TX segment host na si Princess Snell ang sumalang sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, Linggo, September 18.
Ang unang itinanong ng host na si John "Sweet" Lapus ay kung single ba ngayon si Princess.
"No" ang sagot ni Princess, at Truth ang naging resulta nito sa digital lie-detector machine.
MEET BRAD! Sino ang boyfriend niya ngayon?
"Non-showbiz. Mas matanda siya sa akin. Mga four years," sagot ni Princess.
So, hindi totoong mahilig siya sa matatanda?
"Mas matanda siya sa akin."
Pero, hindi parang daddy na niya?
"No!" ang tumatawang sagot ni Princess.
Nagkataon naman na nasa studio ng GMA-7 that time ang boyfriend ni Princess—isang guwapong Australian na nagngangalang Brad at ipinokus pa ito ng kamera.
PREGGY OR NOT? Ang next question kay Princess ay kung totoo ang tsismis na buntis siya.
"No!" ang mabilis na sagot ni Princess.
Truth ang naging resulta ng isinagot ni Princess.
Saan nanggagaling ang tsismis na buntis siya? Totoo ba na siya mismo ang nagkakalat?




0

