"Alam ko, maaayos din ito one of these days. Masaya ako dahil willing naman mag-ayos ang bawat panig at tahimik naman kami pare-pareho," says Coco Martin about his brawl with Matteo Guidicelli at the Star Magic Ball.

Photo: Noel Orsal

Noong nakaraang Linggo, September 11, ay nagsalita na si Matteo Guidicelli kaugnay ng nangyaring gulo sa pagitan nila ng co-Star Magic artist niyang si Coco Martin. 

Sa interview ni Boy kay Matteo ay humingi na ng paumanhin ang actor-TV host kay Coco. (CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, September 18, si Coco naman ang nakausap ng The Buzz bago lumipad ang aktor kasama ang iba pang Kapamilya stars para sa Teleserye Tour nila sa U.S.

Nang kumustahin siya, nakangiting sumagot si Coco ng: "Maayos naman at masaya."

Napanood daw ni Coco ang interview ni Matteo last week.

Ano naman ang masasabi niya sa naging pahayag ni Matteo?

"Sabi ko nga, nakakatuwa kasi sila na ang nagbukas ng pinto para magkaayos kami at sila rin po ang nagpakumbaba.

"At ako rin po, hinihiling ko na sana matapos na rin 'to at magkaayos na rin kami."

Kinalimutan na rin daw ni Coco kung anuman ang hindi naging magandang namagitan sa kanilang dalawa ni Matteo during the Star Magic Ball. (CLICK HERE to read related story.)

"Kinalimutan ko na po yun at natutuwa naman ako. Alam ko, malapit na kaming magkaayos lahat," sabi niya.

Handa na ba siya sakaling magkasama-sama sila sa isang project nina Matteo at Maja Salvador?

"Oo naman! Bakit naman po hindi?" nakangiting sagot ni Coco.

Naniniwala rin daw si Coco na hindi na magtatagal at maaayos din ang anumang gusot sa pagitan nila ni Matteo.

"Alam ko, maaayos din ito one of these days.