Noong Linggo, September 18, ay naka-one-on-one interview ni Cristy Fermin ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca para sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5.
ON MELISSA RICKS. Kinumusta muna ni Cristy si Jake tungkol sa kanyang puso.
"Puso ko? Ano po ako ngayon, happily single," malugod na sabi ng binata.
Sumunod na tanong kay Jake ay ang tungkol sa breakup nila ni Melissa Ricks.
Matatandaang bago pa ipinalabas ang interview ni Jake, nagsalita naman si Melissa sa The Buzz tungkol sa hiwalayan nila ng aktor. (CLICK HERE to read related story.)
Paliwanag ni Jake dito, "Bata pa kami, siyempre marami pa kaming responsibilidad na kailangang gampanan.
"Di lang siguro nag-work out yung sa aming dalawa.
"Pero ipinagdarasal ko pa ring maging magkaibigan kami kasi mabait si Melissa, wala akong masasabi sa kanya."
Umiwas naman si Jake na sagutin ang tanong tungkol sa kung ilang araw o buwan niyang iniyakan ang kanilang breakup.
"Yung mga ganyang bagay, gusto ko na ring itago para sa sarili ko.
"May usapan na rin kasi kami ni Mel the day we broke up, na ano namin, na it's better not to talk about the relationship anymore," paliwanag niya.
Sa tanong naman kung may bago na siyang inspirasyon, o bagong nagpapatibok ng kanyang puso, sinabi ni Jake na wala pa naman daw siyang napupusuan at puro trabaho lang daw muna ang iniisip niya sa ngayon.
JAKE'S FAMILY. Katulad ng ibang mga artista, hindi rin maipagkakaila na maraming mga ibinabatong puna at isyu kay Jake. Pero hindi na raw niya ito sinasagot.
"Aware naman ako sa mga issues tungkol sa akin, but then again, they don't faze me.
"For me, it's not a big deal, kasi alam ko naman din yung totoo.




0

