news

Hayden Kho, Jr. says Vicki Belo is the only woman compatible with his personality

by Melba Llanera posted on September 20, 2011  STATS: 18595 Views | 73 Comments

 

"Ako, hindi ko na nakikita ang sarili ko na may iba pang ka-partner na sakto o bagay sa pagkatao ko kundi siya lang. Sa kanya, nagiging bata ako, nagiging matanda ako, nagiging doktor ako, etc. She's very supportive," says Hayden Kho about his future wife, Dra. Vicki Belo.

Photo By: Noel Orsal

Pagkatapos ng mga kontrobersiya at intriga na kinasangkutan ni Hayden Kho Jr., nagdesisyon siyang tuluyan nang talikuran ang showbiz.

Ito ay sa kabila ng paminsan-minsan pa rin niyang paglabas sa showbiz functions at pagge-guest sa mga TV show.

Isa nga sa mga showbiz event na dinaluhan ni Hayden ay ang fund-raising show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na "Stars For A Cause" na ginanap sa Skydome ng SM North Edsa noong Linggo, September 18.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Hayden, sinabi niyang nananatiling positibo ang pananaw niya sa buhay at maging sa press.

Ito ay sa kabila ng mga banat at panghuhusga na ibinato sa kanya dulot ng kinasangkutang sex video scandal noong 2009.

Aniya, "I don't think ang press, hindi naman isang tao lang ang press.  

"Hindi mo naman puwedeng sabihin na lahat ng taga-press, ganito ang ugali. Siyempre, may iba akong kilala na alam kong mabait.

"Pero kung may nasabi man silang masama before, nakalimutan ko na yun, napatawad ko na yun—as in hindi ko na talaga naaalala.

"Hindi kasi ako ganung tao, e, hindi talaga ako marunong magtanim ng sama ng loob. Madali talaga akong makalimot.  

"I am open to making friends with anyone who wants to make friends with me.  

"Kahit hindi press, kahit sinong tao na gustong maging kaibigan ako, bakit hindi?"

Dagdag pa niya, "Sa akin, kung pinersonal man ako ng ibang tao before, parang naiintindihan ko naman kung bakit sila naipit about me, kung bakit nila nasabi ang mga yun about me.  

"So, mahirap ang time na yun na wala kang mapagkakatiwalaan, walang naniniwala sa iyo.

"Parang naipinta na si Hayden, ganitong klase ng tao. Kulang na lang sabihin na 'demonyo, pervert...'

"Nung time na yun, masakit.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

73 Comments

  • 13  pinoycali_ako

    09/20/2011 | 01:41 PM
    kailangan bang i respeto ang mga babae na alam nila may ka relasyon ang lalake i nakikipag ganun pa rin cla? AND VICE VERSA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  pinoycali_ako

    09/20/2011 | 01:40 PM
    it takes two to tango...hindi lang kaya c hayden kadiri, alam ng mga babaeng pumatol sa kanya na he was in a relationship so pareho din cla lahat MABAHO ANO!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  shidax

    09/20/2011 | 01:35 PM
    oh reallllyyyyyyyyyyyyyyyy!feel mo ikaw ang agrabyado??ikaw kaya maging babae.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  malaya2007

    09/20/2011 | 01:33 PM
    ang lisensya naman hindi lang dahil sa nag-aral ka kasama na dun ang credibility. E malay ba nung magpapa check up sayo kung nagchechek-up ka nga o nangmamanyak ka. Gagawa ka ng kalokohan tapos nung nabuko masama ang loob.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • amja27

    09/20/2011 | 01:22 PM
    manyakis.... un lang!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • CNN7

    09/20/2011 | 01:22 PM
    GUMAGANOON na yung level mo, ha. Parang ikaw yung naagrabyado. Sabagay sa dami ng PERA ng LOLA VICKI pwedeng baliihin yung paniniwala ng iilan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jjjjjjjjjj

    09/20/2011 | 01:16 PM
    ang swerte talaga ni haydeen kay vicky and vice versa. tama haydeen patawarin mo na lang ang mga bitter sa iyo...isa kang adonis DR. HAYDEEN KHO.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • mevillaraza

    09/20/2011 | 01:01 PM
    wow!galing!ang tindi ng kapal ng fez nito.ikaw ang demonyong ngkakanlong sa mala anghel n mukha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kaepalmilya

    09/20/2011 | 12:55 PM
    ang tibay ng mukha nitong manyakis na to
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • luvpinas4ever

    09/20/2011 | 12:53 PM
    i promised myself not to comment but when i read this article di ko kayang i keep ang promise ko.as if Hayden ikaw pa ang naagrabyado sa ginawa mo at ikaw pa ang magpapatawad ha.nag sorry ka na ba sa mga bababeng binaboy mo? pwede ba get lost you and Vicky.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kokuryu

    09/20/2011 | 12:51 PM
    hay salamat hayden at pinatawad mo na ako... ngayon makakahinga naman ako ng malalim... hehehe. waiting for your next video... with belo perhaps... bwahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tili_2death

    09/20/2011 | 12:47 PM
    HAHAHAHA! wala na akong masabi.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • juanenrico88

    09/20/2011 | 12:35 PM
    ang kapal ng mukha.. ikaw ang nambaboy sa buong pinas..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About