"Okey naman ang ticket sales. Actually we started off sa isang magandang pagbubukas ng ticket selling. So, as of now, ang alam ko, half na is almost sold. And it's [ticket sales] still increasing every day. Siguro, because of the promotion na rin that's been happening," says Toni Gonzaga about the ticket sales of her Toni @ 10 concert.

Photo: Allan Sancon

Todo na ang paghahandang ginagawa ni Toni Gonzaga sa nalalapit niyang concert na Toni @ 10 kaugnay ng 10th anniversary niya sa showbiz.

Gaganapin ito sa September 30 sa Smart Araneta Coliseum, to be directed by Johnny Manahan.

"Excited na talaga ako habang pinaghahandaan iyon," ayon kay Toni nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sunday, September 18, sa fund-raising project ng Philippine Movie Press Club na Stars For A Cause held at the SM Skydome.

"Siyempre, isang malaking selebrasyon ang mangyayari. So, talagang pinaghahandaang mabuti.

"Dream ng kahit sinong artist na makapag-concert sa Smart Araneta Coliseum. Yes! 

"And suwerte ko na kahit papa'no, sa sampung taon, nabigyan ako ng pagkakataon na i-celebrate iyon doon. 

"Kaya I'm really thankful and grateful sa opportunity na ito. 

"At siyempre, I'm looking forward na sana ay mapanood ninyo yung selebrasyon dahil marami kaming inihandang sorpresa.

"Actually, it's not just a concert. Para ngang ang tingin ko sa kanya [concert], parang pelikula, e. 

"Kasi para siyang... it's going to be a journey of the beautiful ten years sa showbiz na pinagdaanan ko.

"Ibang Toni ang makikita ninyo sa concert ko. Oo. 

"Siyempre, kasi hindi naman tayo given that much opportunity to sing and perform on TV.

"So, I'm thankful na because of this concert, I will be able to do the things that I love to do."

BRACE YOURSELVES! Gaano kabongga ang gagawin niyang numbers?

"Siyempre, bongga talaga!" bulalas niya.