Valerie Concepcion "confident" about relationship with boyfriend Dondon Hontiveros

Arniel C. Serato
Wednesday, September 21, 2011 @ 02:19PM  |  27834 views

 

"Hindi naman ako threatened or anything na parang natatakot ako na parang ipagpalit [niya ako]. At saka kung sakali man, if ever pinagpalit niya ako, makipag-split siya sa akin, hindi kami magkatuluyan, it only means something—na hindi kami meant for each other," says Valerie Concepcion.

Photo By: Noel Orsal













Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Valerie Concepcion sa opening ng cake business ng mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag. Kasama ni Valerie ang kanyang boyfriend na si Dondon Hontiveros, player ng PBA team na Air21 Express.

Hindi madalas makitang magkasama ang dalawa sa mga social functions. Pero lately ay madalas yata silang napagkikita ng publiko. 

Ito na kaya ang pahiwatig na malapit na silang lumagay sa tahimik?

"Wala, hindi pa," tanggi ni Valerie.

Ilang taon na ang kanilang relasyon, pero madalas ay balita lamang tungkol sa kanilang relasyon ang naririnig. Kaya laking gulat ng mga nakakita na parang open na silang dalawa na makita publicly.

Sabi naman ng actress-TV host, "Actually, first time n'yo lang kami nakita together. Pero kasama ko siya, siya ang date ko nung Star Magic Ball.

"Yun ang first time na nagkasama kami sa isang event, tapos ito [opening ng cake business nina LJ at Jimmy] second time.

"Ano, hindi naman siguro... ano lang, parang ano ba? Comfortable na kami ngayon with each other.

"Parang feeling ko, it's about time na sigurong isasama ko siya sa mga pupuntahan ko."

NO BABY PLANS YET. "Tito" daw ang tawag ng six-year-old daughter ni Valerie na si Fiona kay Dondon.

Pero sila ba ay wala pang balak magkaanak gayong matagal na rin naman ang kanilang pagmamahalan?

"Anak kaagad?" natatawang sabi ni Valerie.

"Hindi pa namin napag-uusapan.

"Honestly, gusto ko, kung sino man makatuluyan ko, ha... I'm not saying na may plans kami or anything, pero siyempre mas maganda kasal muna bago anak, di ba?

"So, wala pa kaming ganyang napag-uusapan."

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name