"I have my daughter, I have Don [Dondon Hontiveros, her boyfriend]. I couldn't ask for more. So, I'm content with what I have. Siguro hindi nga sobra-sobra ang meron ako, pero meron akong sapat. Dun pa lang, kuntento na ako," says Valerie Concepcion.

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos mag-kontrabida ni Valerie Concepcion noon sa Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5, nasundan agad ito ng kontrabida role niya sa 100 Days to Heaven ng ABS-CBN.

Dahil sa back-to-back kontrabida roles niyang ito, ibig bang sabihin ay ito na talaga ang linyang tatahakin ng kanyang karera? Nag-e-enjoy na ba siya sa mga role na ibinigay sa kanya?

"Actually, oo, parang nag-e-evolve. Oo, ine-enjoy ko magkontrabida.

"Sabi ko nga, e, mas madali magkontrabida kesa iyak ka nang iyak every scene, di ba? Ang hirap, lalo na sa madaling-araw.

"Mas madali 'ata magtaray kaya parang maraming nagagalit sa akin, 'Hoy Miranda [her character in 100 Days To Heaven], tigilan mo...'

"Mga nagtu-tweet sa akin, 'Tigilan mo nga si Sofia [Jodi Sta. Maria], ganyan-ganyan.'

"So, feeling ko, effective naman ako."

MARIEL RODRIGUEZ. Sa mga bali-balita namang lilipat na si Mariel Rodriguez sa TV5, inamin ni Valerie na hindi pa sila nagkausap ng kanyang kaibigan tungkol dito.

Matatandaang nagkasama sina Valerie at Mariel sa noontime show ni Willie Revilamme noon sa ABS-CBN na Wowowee.

Pero if ever makasama ulit ni Mariel si Willie, wish din kaya niyang makasama rin siya para buo na ulit ang tropa nila noon?

"Ako naman, hindi naman ako kinakausap, so hindi.

"Wala naman ino-offer, so parang I'm not in a position to answer that.

"Kasi parang mamaya, sabihin ko gusto ko o ayaw ko, yun pala sila naman yung may ayaw, di ba?

"So, ayoko namang magsalita kasi hangga't walang offer, ayoko mag-feeling, di ba?"

Pero inamin niyang na-miss niya ang pagkakaroon ng noontime show.