"Ang alam ko, dapat three months ago, dapat nag-start na kami right after ng movie namin ni KC [Concepcion]. Pero hindi ko alam kung bakit na-delay. Siguro dahil busy sa ibang shows ang iba naming kasama and revisions na rin ng script. We're just waiting pa, pero alam ko tuloy," says Sam Milby about his upcoming soap, Alta.

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos ng teleseryeng Idol with Sarah Geronimo and Coco Martin at ng pelikulang Forever And A Day with KC Concepcion, marami ang nakakapansin na parang hindi na ganung ka-visible ang actor-singer na si Sam Milby.

Sa ngayon, ang regular show lang ni Sam ay ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Rocks.

ALTA. Marami sa mga tagahanga ni Sam ang naghihintay sa pagbabalik niya sa paggawa ng teleserye.

Kasama si Sam sa cast ng matagal nang napapabalitang teleserye ng ABS-CBN, ang Alta. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasisimulan.

May usap-usapan na shelved na diumano ang seryeng ito, bagay na agad namang nilinaw ni Sam sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ang alam ko, dapat three months ago, dapat nag-start na kami right after ng movie namin ni KC.

"Pero hindi ko alam kung bakit na-delay. Siguro dahil busy sa ibang shows ang iba naming kasama and revisions na rin ng script.

"We're just waiting pa, pero alam ko tuloy.

"Nag-workshop ako isang beses with Direk Laurice [Guillen] and Zanjoe [Marudo], yun pa lang preparations namin. 

"Ang alam ko, kaming boys, magte-training kami ng military. That's something new for me kasi wala pa akong ganitong role before.

"Alam naman ng lahat na tuloy lang talaga pag nag-grind na yung mga camera.

"Pero as my understanding, yes, tuloy ang Alta," sabi ni Sam.

Pero para kay Sam, blessing in disguise ang pagkakaantala ng taping ng Alta. Nagbakasyon kasi recently dito sa Pilipinas ang pamilya niya and he was given a chance to spend time with them.

"Hindi pa kami nag-uumpisa. Mag-i-start kami beginning of October.

"But mabuti naman yun kasi malaking soap ang Alta and nandito ang ate at pamangkin ko. My mom left last Monday.