"Before that, sinabi ko sa mga katabi ko nung time na yun, na parang let's surrender everything to God now. Kung hindi man siya 'yan, may puwesto na siya, iyon. Pero nung tinawag siyang 3rd runner-up, sabi ko, okay na, okay na. Hindi na naging isyu sa amin iyon," says Jonas Gaffud (main photo) about Shamcey Supsup's (inset) fourth-place finish in the Miss Universe 2011 pageant.

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mentor ng Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup na si Jonas Gaffud.

Si Jonas din ang head ng modeling agency na Mercator, kung saan kabilang si Shamcey at ang iba pang top models ng bansa.

Kasama ni Shamcey si Jonas na pumunta sa Sao Paulo, Brazil, kung saan ginawa ang Miss Universe 2011.

Pinakuwento ng PEP si Jonas ng mga kaganapan doon during the pageant.

Noong mapasama raw sa Top 5 si Shamcey, ang akala ni Jonas ay ito na ang mananalo bilang Miss Universe.

Kuwento niya, "Iyon talaga ang feeling namin.

"Ang sinabi ko kay mommy niya, 'Mommy, sobra akong kampante sa evening gown, she can even top the evening gown. Pero pag papasok na siya sa Top 5, siya na mananalo!'"

Magkatabi raw sila sa upuan ng ina ni Shamcey during the pageant.

Patuloy niya, "After ng Q & A, na sobrang okay ang sagot ni Shamcey, so na-feel naming malakas na.

"Nung pagdating kay Miss Angola, ang lakas talaga ng crowd, sobra!

"Lahat ng mga iba't ibang bansa na nasa African continent, na mga islands... Trinidad and Tobago, Puerto Rico... lahat-lahat ng mga islands, kay [Miss] Angola na sila.

"More than [Miss] Brazil, ang [Miss] Angola, the whole crowd talaga!

"Feeling ko, medyo naka-sway talaga yung crowd, sa last look."

Ano naman ang naging reaksiyon niya nang tawagin si Shamcey as 3rd runner-up?