Does Carmina Villaroel dream of getting married?

"Wala yata... kasi, feeling ko, tapos na, okay na. Walang kulang sa akin.  'Di ba, nangangarap ka lang naman kapag may kulang? You're only dreaming and wishing kung hindi ka kuntento sa buhay mo.  So, I guess, kuntentong-kuntento na ko.  Hindi na ko nagdi-dream," she says.

 

Photo: Noel Orsal

Nadagdagan na naman ang product endorsement ni Carmina Villarroel with Del Monte tomato and spaghetti sauce. 

Wish ba niyang maging No. 1 endorser sa bansa?

"Hindi, hindi naman!" natatawa niyang sabi sa launch bilang endorser ng naturang produkto last Wednesdsay sa 55 Events Place.

"Parang ano lang ako, always thankful na sana, continuous lang ang mga ito.  Masarap ang feeling kapag nag-e-endorse ka ng produkto. Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan ka. 

"Pero never ko naman talagang naging goal na kailangan, I have to be No. 1. Kailangan ganito ko.  No, ang sa akin lang talaga, as long as happy kami ng pamilya ko. At pinagkakatiwalaan pa rin ako, enough na sa akin yun."

Hindi nga raw ine-expect ni Carmina na mas pagkakatiwalaan pa siyang maging endorser kung kailan may pamilya na siya.

Aniya, "Hindi, hindi ko talaga inisip na after giving birth, tuloy-tuloy pa rin ang career ko.  Akala ko nga, wala na, hihinto na. Yung ganyan. But you know, I'm just so lucky and blessed na tinanggap pa rin ako ng mga tao. 

"At saka, siguro nakita rin nila na yung love ko sa craft ko.  'Eto na 'ko.  Ito lang ang alam kong gawin. Siguro nakita rin nila na love ko talaga kaya nandito pa rin ako."

In real life, mommy na mommy na nga si Carmina sa kanyang kambal. At isang ina rin ang ginagampanan niya sa seryeng Pahiram ng Isang Ina.

MORE KIDS? Wala ba silang planong sundan pa ang kambal?

"Gusto ko na nga, ayaw ni Zoren, e!"

Bakit si Zoren pa ang may ayaw?

"Hindi, hindi naman, loko lang!" sabay bawi nito nang natatawa. "Masyado naman kayong nag-react kaagad! 

"Siguro lang kasi ngayon nga, parang malalaki na nga ang kids, parang, ay, gusto ko namang magka-baby.

"Siguro kaming dalawa, parang minsan gusto namin. Minsan, tama na siguro itong dalawa. Tutal binigyan na tayo ng Diyos ng pair. May one boy, one girl na nga. At okay na okay naman.  Siguro, makuntento na lang tayo rito.  So, minsan, hindi rin namin maisip. Kung darating, e, 'di, hayan na.  Kung hindi naman, okay pa rin."