news

Mr. Fu helps solve people's problems with cash, gifts and comic relief on his radio segment, I-Emote Mo Yan

by Glen P. Sibonga posted on September 24, 2011  STATS: 1339 Views | 11 Comments

Mr. Fu explains how he helps listeners and makes them laugh on his radio show:

"May isa naman, may sakit na tuberculosis. Pagaling na raw siya. Kailangan niya lang ng P1,500 para sa vitamins para tuluyan na siyang gumaling. Binigyan ko. Tapos dinagdagan ko pa ng 21-inch colored TV. Biniro ko na lang na dahil sa TB niya, kaya bibigyan ko rin siya ng TV. Naloka siya," he relates.

 

Photo By: Glen P. Sibonga

Bukod sa pagpapatawa, tila nalilinya rin ngayon sa public service ang TV and radio personality na si Mr. Fu dahil na rin sa radio segment niya sa 103.5 Wow FM, ang I-Emote Mo Yan.

Dito ay natutulungan niya ang kanyang listeners anuman ang problema nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng "pampalubag loob" in cash or in kind.

Kuwento nga ni Mr. Fu nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang radio program kahapon, September 22, marami na rin daw siyang natulungang problemadong listeners ng programa niya na Ang Tagabulabog ng Buong Universe, na napapakinggan sa 103.5 Wow FM, 8 a.m. to 11 a.m., Monday to Friday.

Paano ba niya naisip na ipasok ang pagkakawanggawa sa kanyang radio show?

"Kasi yung concept ng I-Emote Mo Yan nagsimula yan nung lumipat ako sa Wow FM galing sa Energy FM. Nagkaroon kasi kami ng kakaibang segments sa radio program ko. Kabilang nga dun yung Showbiz Fu, na rundown ng latest showbiz stories; yung Chorvahin Mo 'To, na survey question of the day; Sabi?!, about tips on having good fortune; Labas Dila Challenge; at Owkrayan Na, tungkol sa love advices.

"Tapos sabi ng management lagyan naman daw namin ng puso yung show. Kasi parang I'm known na for being funny, so lagyan naman daw ng heart yung show. Tinanong ko ngayon sila kung willing ba silang magbigay ng prizes para sa segment na yan. Um-okay naman sila.

"So, naisip ko yung I-Emote Mo Yan kasi yung term na yun very common ngayon yang salita kapag problemado ka o may napansin kang malungkot na tao, ang tanong mo, 'O ba't nag-e-emote ka?'

"So, in-approve naman ng mga boss yung concept na magsasabi ng problema yung listeners on air at susolusyunan namin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tinatawag naming 'pampalubag loob.' Pwede iyang in cash or in kind," mahabang paliwanag ni Mr. Fu.

Paano naman makakasali yung listeners sa segment na ito?

"I-text lang nila yung WOW 1035, space, tapos yung pangalan nila, address, landline o kaya cellphone number, tapos kung ano yung problema o ine-emote nila, brief description lang. Ise-send nila yun sa 2948. Pwede rin silang mag-post sa Facebook fan page ko, www.facebook.com/stardjmrfu. And then pipili kami dun tapos tatawagan namin."

ENCOUNTER WITH CALLERS. Anu-anong problema naman yung mga na-e-encounter niya mula sa callers?

"Yung mga problema pwedeng serious, pwedeng parang wala lang.

"Ano yung wala lang? Nag-break kami ng boyfriend ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Okay, so papayuhan ko ng konti and then bibigyan ko siya ng pampalubag loob.

"Kasi di ba, pag nag-e-emote ka, parang you deserve naman something na pwedeng magpagaan sa dinadala mong problema. Yung nakipag-break sa boyfriend pwedeng bigyan ko siya ng pera na pang-parlor. Ayan ang P1,500, magpaganda ka, whatever.

"O kaya manood ka ng DVD, may brand new DVD player ako dito, ibibigay ko sa iyo. Ganun kasimple.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  soy_tu_duena

    09/28/2011 | 10:20 AM
    tinira n nman ni mr fu ang tween something... we love mr fu pero tlagang todo na yung bira nya sa tweens... hindi ko idol ang tweenstars pero minsan rin nman syang naging kapuso...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Space_Ace

    09/26/2011 | 09:47 PM
    walang bang kilala sa GMA? B0B0 ka talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • onewithkapsuo

    09/26/2011 | 10:32 AM
    we love you mr fu. hehehe pro minsan oa na pag bira mo sa mga kapuso at kapamilya sana minsan tv 5 din hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • soy_tu_duena

    09/26/2011 | 10:06 AM
    basurera ka, neverhearty88... ambaho mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Neverhearty88

    09/26/2011 | 07:39 AM
    e totoo naman kasing walang kilala sa GMA bat ba naooffend kau e totoo lang naman sinasabi nya? GO MR FOO!!! tween something and munting something ahaha meaning lahat ng shows sa GMA pang unknown level lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jjjjjjjjjj

    09/25/2011 | 02:51 PM
    miss pu
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fujiko777

    09/25/2011 | 11:46 AM
    ay ganun va?? inimbyernes nya ang tween hearts?? yawga ko na sayo mr. fu.... pa emotin mo nalang yung mga taga TV5... me ganon????? dapat di ka nang babangga kasi may mga listeners ka ring Kapuso at Kapamilya, pero kung ganyan lang din naman.. eh di dalhin natin ang network war sa fm din... meeeeeeeeeeee gannnoooooooooooooonnnnnnnnnnnn mo mukha mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • soy_tu_duena

    09/24/2011 | 11:46 PM
    tumpak... sobrang sipsip nyan sa tv5... nakikinig rin ako sa kanya, gusto ko ung kajudingan nya... pero sobrang FOUL sya sa mga tween hearts, eh hindi rin nman kilala ang mga teen stars ng dos at lalo na yang tv5.. saksak nya yang tv5 nya sa lungs nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fujiko777

    09/24/2011 | 09:18 PM
    one thing na may kwentang sinabi ni Mr. Fu among sa libo libong di kakwentahang salita eh.. choice mo yan if you wanna be happy, di ibang tao ang magpapasaya sa atin, dapat masaya tayo sa sarili natin kesa naka depend tayo sa iba just to be happy, yan eh advice nya sa mga nagshushunga shungahan na babae na nag aask ng advice nya kasi nahuli daw nya bf nya na nambabae, kung hihiwalayan daw ba nya o hindi..hahahah!!! kalokers!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fujiko777

    09/24/2011 | 09:15 PM
    nakakarinig lang ako ng fm while driving our car coz I bring my kid to school everyday... isang caller nya ang binigyan nya ng 2 thou or 3 thou para sa panganganak, kasi nung nalaman daw nung bf nung babae na buntis sya, iniwan sya.. pero kafal ng fez nung babae sabi nya, mr. fu, wala kaming TV.. sabi ni Mr. Fu.. eh di mabuti para parati kayong makikinig ng radio.LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Space_Ace

    09/24/2011 | 06:40 PM
    yang si mr. fu laging ino-okray ang mga artista ng tween hearts. tween something nga ang tawag nya dahil hindi daw kilala yung mga artista. ang tanong ko lang sa kanya eh kilala ba o sikat ang mga teen stars ng bagets at iskul bukul ng tv5? palibhasa taga tv5 ka kaya sobra ka makasipsip.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About