Jake Cuenca says it's not true he was sent a box of bullets, said to be a warning to stay away from Lovi Poe

Melba R. Llanera
Sunday, September 25, 2011 @ 09:26AM  |  15249 views

Nagpadala raw ng isang kahon ng bala si Congressman Ronald Singson kay Jake Cuenca—isa raw babala sa aktor na tigilan na nito kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Lovi Poe. Naging ex-boyfriend ng aktres ang congressman na kasalukuyang nakakulong sa Hongkong dahil sa kasong possession of illegal drugs.

"Hindi totoo 'yan, gusto ko ring mag-sorry sa mga Singson kasi hindi siya magandang tsismis.  Wala naman silang ginagawa, lalo na si Ronald," Jake says.

 

Photo By: Noel Orsal













Sa kasagsagan ng promo ng pelikulang My Neigbor's Wife, na-link si Jake Cuenca at Lovi Poe at nabalita na nanliligaw daw ang aktor sa sexy actress.  

Lalo pang tumibay ang hinala ng iba nang dalhin ni Jake si Lovi sa nakaraang Star Magic Ball. Kasunod nito ang paglabas ng mga balita na nakikita raw si Jake sa condo unit ni Lovi sa Mandaluyong.

Lumabas din ang balita na nagpadala raw ng isang kahon ng bala si Congressman Ronald Singson kay Jake—isa raw babala sa aktor na tigilan na nito kung anuman ang namamagitan sa akanila ni Lovi. Naging ex-boyfriend ng aktres ang congressman na kasalukuyang nakakulong sa Hongkong dahil sa kasong possession of illegal drugs.

Kahapon (September  23), sa presscon ng 20th anniversary ng Maaalala Mo Kaya, naka-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake at hiningan namin agad ito ng reaksyon sa balitang kumalat.

"Hindi totoo 'yan, gusto ko ring mag-sorry sa mga Singson kasi hindi siya magandang tsismis.  Wala naman silang ginagawa, lalo na si Ronald.  Hindi rin naman maganda na ma-tsismis kang nagpadala ng bala.

"Ang kuwento sa akin ng RM ko, ibang artista raw yung pinadalhan ng bala pero nakita ko nagsimula siya sa Twitter. Pero ikaklaro ko na wala naman talaga, walang threats or anything."

Binigyang-linaw din ni Jake ang ibang mga issues.

"Pareho kasi kami [ni Lovi Poe] ng building sa Mandaluyong.  Siyempre minsan nagkakasalubong kami pero hindi ko siya pinupuntahan sa condo niya.  Kahit nung Star Magic Ball, sinundo ko siya sa bahay ni Tito Leo [Dominguez].

"After ng ball may pinuntahan lang kaming ibang  lugar.  Hang out lang. Wala namang holding hands o ano.  We're just friends.  Saka we just made a movie, kasama diyan ang promo siyempre.  

"Nakakahiya sa kanya na nadadawit siya sa mga tsismis.  Minsan ko na nga lang makatrabaho yung tao, sana walang nega.  Magkaibigan kami pero hanggang dun lang."

Ayon kay Jake,  he enjoys being young and single.

"Ine-enjoy ko lang ang pagiging single ko dahil nako-commit ko ang sarili ko sa mga leading ladies ko na walang nagseselos."

GAY ROLE FOR MMK. Kasama si Jake sa espesyal na handog ng 20th anniversary ng MMK where he plays a gay role. 

Aminado naman ang aktor na choice niya talaga ang gumanap ng iba't-ibang roles at isa na nga dito ay papel ng isang bading.

"I just really had fun doing the episode.  Sobrang saya naming lahat kahit medyo nagmamadali kami sa taping at mahirap, pero nung napanood namin, sulit naman pala, nakakawala ng pagod.

1  2  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name