Marami ang nakaka-miss kay Nina sa ASAP dahil kulang daw ang Sessionistas pag wala ang biritera ng grupo.  May mga naglabasan tuloy na balita na baka buntis daw ang singer kaya't di ito nagpapakita sa ASAP.

"I miss singing regularly every Sunday pero sa ngayon, ang focus ko ay sa album ko under Universal Records. Ilo-launch naman ang album ko  dun sa ASAP so abangan na lang nila," Nina says.

 

Photo: Glen P. Sibonga

Kapansin-pansin sa guestings at gigs daw ni Nyoy Volante ang madalas na pagkanta nito ng "Someday," na pinasikat ng ex-girlfriend na si Nina.  

Alam ng marami na hindi maganda ang kinauwian ng breakup ng dalawa. Isang estafa case ang sinampa ng Soul Siren laban sa mga magulang ni Nyoy.

When PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Nina last Thursday, we asked what she thought of her ex-boyfriend singing "her" song. Lalo na't hindi pa naaayos ang problema sa pagitan nila.

"Reaction ko? Actually, wala.  Okay lang, wala namang kaso kahit kantahin niya. For me, it's okay, desisyon niya yun.  Yung mga taong nakarinig na lang, sila na lang ang bahalang magkomento.

"Sa akin kasi kung na-identify na ang isang kanta sa isang tao, it's either gawin [mong] mas maganda or wag na lang kantahin," ang sagot ni Nina.

"Di ko sinasabi yun para sa kanya, sinasabi ko yun in general, kahit sa akin ina-apply ko yun sa sarili ko."

MUM ON ESTAFA. Kinumusta din namin ang estafa case na sinampa ni Nina laban sa mga Volante, pero this time, medyo iwas na magsalita pa ang Soul Siren.

"Tuloy siya.  Actually bawal na yatang pag-usapan kasi nag-request ang abugado ko na wag nang pag-usapan kasi baka ako naman ang ma-sue.  

"Basta inaayos na ito, so kailangan nilang harapin ito.  Ako naman iga-grant ko ang request nila na wag na itong pag-usapan pa."

Kagagaling lamang ni Nina ng America for a series of shows with Sessionistas. Kamusta naman ang performances nila?

"Masaya kasi yung mga kababayan natin, para silang nasabik sa performance ng mga Filipino.  Hindi nakakapagod mag-perform kahit sunuod-sunod yung flight namin from one state to another.  

"Nagpunta kami ng L.A., Chicago, supposedly New York, pero na-cancel nga dahil sa hurricane.  Then Las Vegas and Reno. Baka bumalik kami ng New York sa November."

NOT PREGNANT. Marami ang nakaka-miss kay Nina sa ASAP dahil kulang daw ang Sessionistas pag wala ang biritera ng grupo.  May mga naglabasan tuloy na balita na baka buntis daw ang singer kaya't di ito nagpapakita sa ASAP.

"I miss singing regularly every Sunday pero sa ngayon, ang focus ko ay sa album ko under Universal Records.  Ilo-launch naman ang album ko  dun sa ASAP so abangan na lang nila.

"Dati pa, kahit nung kauumpisa ko pa lang, yan na ang issues sa akin. Buntis daw ako, may anak na ako—na anak pala ng kapatid ko. Close kasi sa akin ang mga yun."