"The entire year na nagpapagamot siya, he has gone through so much pain. Hirap na hirap na hirap na hirap na talaga siya na minsan, hindi ko alam kung ipagdadasal ko ba na pahabain pa yung buhay niya pero ganito, or kung kunin na lang siya para hindi siya mahirapan. So, hindi ko na alam kung alin dun yung hihilingin ko. But more than that, I was really praying for a miracle that he will get better," says Camille Prats about the ordeal she went through when her husband Anthony Linsangan was diagnosed with cancer.

Photo: Noel Orsal & Paul Mata

Isang araw pagkatapos pumanaw ng kanyang mister na si Anthony Linsangan, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam ang aktres na si Camille Prats.

Sumakabilang buhay si Anthony kahapon, September 23, dahil sa nasopharyngeal cancer sa edad lamang na 31. (CLICK HERE to read related story.)

Sa mismong burol ni Anthony sa Heritage Park sa Taguig City nakausap ng Startalk si Camille. Ipinalabas ang naturang interview kaninang hapon, September 24.

YOUNG WIDOW. Dito ay ipinahayag ng 26-year-old actress ang kanyang saloobin sa pagkamatay ng kanyang asawa.

"Okay naman, medyo... siyempre mahirap.

"Pero siguro, the family, ako, medyo nakita... hindi naman nakita, pero hinanda naman namin ang sarili namin na kung sakali man na dito papunta...

"Pero siyempre, mahirap pa din.

"Hindi ka makapaniwala kasi he's very young. At that time, he was only turning 30."

Ang tinutukoy ni Camille ay magti-thirty years old pa lang noon si Anthony nang ma-diagnose siya na may cancer. Stage 4 na ang cancer ni Anthony nang matuklasan na meron siya nito.

Patuloy pa niya, "So siyempre, parang hindi totoo.

"Kasi parang hindi... it's not possible for someone his age to acquire a disease like that.

"Pero ni-rule out agad yung cancer kasi nga sa edad niya.

"Tapos iyon, so when we found out that it was cancer, siyempre parang hindi ako makapaniwala na parang we had to go through it.

"But of course, we had hope.