Matapang na hinarap ni Yul Servo ang kontrobersiyal na mga tanong sa kanya ng host na si Cristy Fermin sa live guesting ng actor-politician kanina, September 25, sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed.
Bukod sa pagpo-promote ni Yul ng huling linggo sa ere ng kinabibilangan niyang TV5 primetime teleserye, ang Bangis, hindi siya nakaligtas sa pang-iintriga ni Cristy lalo na tungkol sa hindi mamatay-matay na isyu sa kanila ng actor-singer na si Piolo Pascual.
Bukod sa kilala sa pagiging magaling na aktor, kakabit na nga ng pangalan ni Yul, sa tuwing napag-uusapan siya, ang pangalan ni Piolo. Pinakamatindi nga sa intrigang ito ang tungkol sa diumano'y pagkakaroon nilang dalawa ng romantikong relasyon.
Bakit ba sa mahabang panahon, simula noon hanggang ngayon, hindi mawala-wala sa imahe niya si Piolo Pascual?
"Si Brother PJ [palayaw ni Piolo]," nakangiting sambit ni Yul. "Siyempre po sa tagal na rin naming magkaibigan. Katulad nga po nung nakaraan, magkasama po kami sa isang despedida party."
FRIENDSHIP WITH PIOLO. Ang tingin kasi sa kanya ng mga kababaihan at kabadingan ay sex symbol. Naapektuhan ba siya sa mga kuwento-kuwento na nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Piolo? Naapektuhan ba ang pagkakaibigan nila?
"Hindi naman po. Kasi pag nagkikita naman kami bale wala din po [yung isyu]."
Sa kabila nga ng isyu sa kanila ay nananatili silang magkaibigan hanggang ngayon. Pero hindi ba nila ito napag-uusapan?
"Minsan po, pero hindi niya rin naman po pinapansin, e. At saka wala rin naman po akong nakikita sa aking brother."
Pag nagkikita sila ni Piolo, ano ang sinasabi ng mga kaibigan nila?
"Wala naman po. Kasi parang kami'y isang grupo po. Hindi naman po ano yun [isyu]."
Bilang kaibigan at kumpare ni Piolo, may katotohanan ba yung iniisip ng iba tungkol kay Piolo?
"Wala po."
Sa tingin niya paano mahihiwalay ang imahe niya kay Piolo? Paano mawawala ang isyung ito?
"Oo nga po e, ang tagal na po nun, e. Hindi pa rin natatapos. Sa akin po, hindi ko na lang pinapansin. Siya rin po hindi na niya pinapansin.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
82 athanguy
81 athanguy
80 kilabotako
79 kantaratarat
78 redsand
77 mrpogiako
76 KenManXIV
75 KenManXIV
74 jams_mom
73 KenManXIV
72 MARKY2000
71 sweetum
70 wallcrawler
69 happyperson1966
68 pepato
67 under_rated
66 palengkera
65 pinay_rn
64 pinasbuzzer
63 kapusoakotalaga
more comments