"Kung anuman 'yong nasabi niya, siguro siya na lang ang mag-explain no'n. Kasi mahirap naman na ako pa ang mag-explain," says Toni Gonzaga (in photo) about Mariel Rodriguez.

Photo: Allan Sancon

Maikli lang ang naging pahayag ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, Sunday, September 25, nang tanungin ng co-host niyang si Boy Abunda kung ano kanyang panig sa panibagong isyu sa kanila ni Mariel Rodriguez. 

Kaugnay ito ng text message daw ni Mariel sa entertainment columnist at talk show host na si Ricky Lo na "Toni can't stand her [Mariel]." Na parang pina-plastic lang daw ni Toni si Mariel. 

Ang lumalabas pa, si Toni ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon si Mariel na umalis sa noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey! at lumipat sa TV5.

Sabi ni Toni sa The Buzz, "I've learned about this, I think Wednesday [September 21] no'ng na-publish 'yon. I texted Mariel right away. 

"Sabi ko, 'What happened?' Because before she stopped attending Happy Yipee Yehey!, we had a good talk... We are okay.

"Actually, up to now, we're still okay. So, I don't know where all these [intrigues] are coming from.

"And, uhm... of course, kung anuman ang napag-usapan namin ni Mariel, sa amin na lang 'yon.

"Pero, this is to assure everyone na Mariel and I, we're okay. We are on speaking terms.

"Hindi na mauulit 'yong dati na inakalang meron kaming misunderstanding o may rift. Wala pong gano'n ngayon.

"Kung ano po 'yong nangyari diyan at kung ano po ang nabasa natin, I don't think I can answer for Mariel. 

"But for myself, I will not say anything against Mariel because sa halos limang taon na nakasama ko si Mariel, she has been [like] a sister to me. 

"And like what I always say to her... I will always wish the best for her."

MORE CLARIFICATION. After the show, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni para sa karagdagang mga katanungan hinggil sa usapin na naman na ito sa pagitan nila ni Mariel.

"Magkausap kami kahapon," aniya.