Jay-R denies living in with girlfriend Krista Kleiner

Rommel Gonzales
Monday, September 26, 2011 @ 06:44PM  |  13446 views

 

"Hindi kami nagli-live in. Actually, this is a touchy subject kasi yung pamilya niya [abroad] naririnig na rin ang mga tsismis na ganyan, e. Everyone na nanonood, sana huwag po kayong maniwala sa mga tsismis kasi hindi po totoo. Hindi po kami nagli-live-in ni Krista. Mero'n siyang sarili niyang tinitirhan sa Eastwood, ako din po iba yung bahay ko so... Lagi lang kaming magkasama kaya siguro ganun," explains Jay-R about reports that he and beauty queen Krista Kleiner are living together.

Photo By: Noel Orsal













Ang Prince of Soul na si Jay-R ang sumalang sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, September 25.

"Prince of Soul" na ang bagong title ni Jay-R since ipinamana na raw niya ang kanyang "R&B Prince" title sa kaibigan niyang si Kris Lawrence.

Unang tanong kay Jay-R ni John "Sweet" Lapus ay kung totoo bang napapabayaan na niya ang sarili niyang career.

Busy raw kasi siya sa pagpo-produce ng debut album ng girlfriend niyang former beauty queen na si Krista Kleiner.

"No" ang sagot ni Jay-R at "Truth" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Ayon kay Jay-R, ang debut album ni Krista ay sa ilalim ng kanyang label na Homeworkz at silang dalawa ang producer nito.

Uunahin daw muna niya ang release ng album ni Krista at ng kanyang pamangkin na ipinag-produce din niya ng album bago siya mag-release ulit ng bago niyang album.

Under sa Jay-R's Homeworkz Records ay ang artists niyang sina Chelo (na mala-Lady Gaga ng Pilipinas) at ang hip-hop duo na Q-York na ang isa ay pamangkin ni Jay-R.

Ire-release din daw soon sa Malaysia ang isa sa mga album ni Jay-R at kaka-release din niya ng album sa Indonesia. May album pa siya na naka-release ngayon dito sa Pilipinas, ang OPM Love Classics.

LIVING IN TOGETHER? Ang second question kay Jay-R ay kung totoong nagli-live in na sila ni Krista Kleiner.

"No" ang sagot dito ni Jay-R. Pero "Lie" ang naging resulta nito sa truth-verifier machine.

"Si Krista, nakatira sa Eastwood mag-isa siya. Ako naman sa Manila," paglilinaw ng singer.

Ang kasama raw ni Jay-R sa bahay ay ang ilan sa kanyang mga pamangkin at mga kaibigan tulad nga ni Kris Lawrence at iba pa.

"Hindi kami nagli-live in. Actually, this is a touchy subject kasi yung pamilya niya [abroad] naririnig na rin ang mga tsismis na ganyan, e.

"Everyone na nanonood, sana huwag po kayong maniwala sa mga tsismis kasi hindi po totoo.

1  2  3  Next »

Related Articles

19 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name