Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang multi-award-winning actor na si Tirso Cruz III nang um-attend siya sa birthday party ni Direk Joel Lamangan sa Cabalen West Avenue, Quezon City, last Saturday, September 24.
With Pip was his wife, Lyn Ynchausti-Cruz.
Medyo malakas ang pagtugtog ng mga musikero sa venue ng party kaya sandali lang naming kinausap si Tirso.
Naitanong namin ang ilang pinakahuling kaganapan sa kanyang career bilang aktor, tulad ng nakumpirma nang pagsasama nilang muli sa pelikula ng Superstar na si Nora Aunor, Pip's erstwhile ka-loveteam.
Ang pelikula ay may titulong Mano Po 7 (Hototay), isang romantic comedy under Regal Entertainment Productions at ididirek ni Joel Lamangan.
Ito ang isa sa mga entry ng Regal Entertainment sa December 2011 Metro Manila Film Festival.
"Well, almost close na kami [sa deal]. Almost sure na," pag-inform ni Pip sa PEP.
"May mga inaayos lang kami. May mga pinag-uusapan kaming details.
"Pero most likely, if everything falls into place, kasama ako sa pelikula."
Hindi pa nga lang mabanggit ni Pip kung ano ang magiging papel o character niya sa comeback movie ni Ate Guy.
Wala bang hesitation kay Pip nang i-offer sa kanya ni Mother Lily Monteverde ang project?
"Wala naman. Trabaho lang, e," sabi niya.
Nagkita na ba uli sila ni Ate Guy?
"Hindi pa kami nagkikita," sagot ni Pip.
At walang mababanggit pa si Pip tungkol kay Guy, as he hasn't seen her yet. Maski raw sa TV kapag ini-interview ang dating kapareha ay di pa niya nakikita.
"Hindi rin ako masyadong [nakakapanood sa TV]. O, bihira ako makapanood ng TV. Lagi rin akong nasa labas."




0

