Lorna Tolentino (second from left) kasama ang TV5 president and CEO na si Atty. Ray Espinosa (second from right), ang executive vice president and COO na si Roberto Barreiro (left) , at ang manager ng aktres na si Lolit Solis.

 

Ang unang TV interview ni Lorna Tolentino sa TV5 ay magaganap sa Juicy Express mamaya, September 28, 11:00 a.m.

 

May exclusive one-on-one interview din si Cristy Fermin sa aktres para sa "Showbiz Exposed " ng Paparazzi na mapapanood naman sa Linggo, 1:30 ng hapon sa TV5.

Photo: Arnel Serato

Eksaktong 4:17 ng hapon, September 27, sa Batanes function hall ng EDSA Shangri-La Hotel, pormal nang pumirma ng isang taong kontrata sa TV5 ang tinaguriang grand slam queen of Philippine Movies na si Lorna Tolentino.

Hinagupit man nang bagyong Pedring ang buong Luzon kabilang na ang Metro Manila, maaga pa ring dumating si Lorna sa venue.

Ang kanyang bungad sa lahat, "Thank you, maraming salamat sa inyong napaka-init na pagtanggap sa amin dito."

Kabilang sa nakapaloob sa kanyang kontrata ay ang tatlong teleserye at isang pelikula. Posible din daw na magkaroon ito ng hosting stint sa isang lifestyle show.

"Glamorosa muna ang uunahin namin, then another two more mini-seryes,  kasi three months lang yung teleserye. And then one movie, yun ang nakasaad sa contract ko," patuloy pang kuwento ni Miss Lorna.

May alam na ba ito sa kuwento ng kanyang upcoming project?

Sagot niya, "According dun sa concept, sa mundo o larangan ng paggiging glamorosa,  kailangan andun yung beauty expertise mo.

"Bale, lalabas akong doktora. Bale family, involved din yung family, may family drama pa rin pero yung ginagalawan na profession ay more on beauty, cosmetics, cosmetology."

Full force ang pag-welcome sa kanya ng TV5, na pinangunahan ng president and CEO nitong si Atty. Ray Espinosa, ang executive vice president and COO na si Roberto Barreiro, at head of creative and entertainment production na si Perci Intalan.

Kasama rin sa mga sumaksi ang manager ni Lorna na si Lolit Solis, mga columnists at PEP contributors na sina Jojo Gabinete at Gorgy Rula, pati na rin ang public relations head na si Peachy Guioguio, at mga business unit heads na sina Joan Banaga, Edlyn Tallada at Jana Manalaysay.