May ibang hilig nang gawin ang Concert Queen na si Pops Fernandez, at ito ay ang mag-design ng wedding gowns.
Ipinakita for the first time ni Pops ang kanyang first wedding gown collection para sa label niya na "Pops Fernandez" sa nakaraang 11th Franchise Excellence Awards sa SMX Convention Center last September 22.
Isa nga sa mga naging modelo ni Pops ay ang Kapuso actress na si Carla Abellana.
GOWNS FOR EVERY BRIDE. Sa buong collection ni Pops ay ipinakita niya ang iba't ibang styles ng wedding gown depende sa taste ng magsusuot na bride.
Sinadya nga ni Pops na mag-design ng iba't ibang hitsura ng gown para na rin sa nauusong iba't ibang themes ng wedding.
"There are so many styles to choose from my wedding gown collection," pagmamalaki pa ni Pops.
"Merong pang-beach wedding. Merong pang-garden wedding.
"Nandiyan din ang traditional na para sa church weddings.
"I also have Chinese and Japanese designs for wedding gowns.
"So, there is one for every style and taste that a bride may want."
HOW IT STARTED. Matagal na nga raw gustong gawin ni Pops ang mag-design ng wedding gowns. Sobra raw siyang nagagandahan sa mga suot ng brides kapag uma-attend siya ng weddings.
Since parati naman daw may kinakasal, bakit hindi na niya simulan ang matagal na niyang gustong gawin.
"Everybody knows how much I love fashion. And for me, even a bride on her wedding could be fashionable.
"Uso naman ang mga concept weddings ngayon and it's nice to see brides wearing something out of the traditional style.
"Nandoon pa rin ang tradition, pero may konting edge.




0

