Nailibing na ang asawa ni Camlle Prats na si Anthony Linsangan kahapon, Setyembre 27, sa Dasmariñas Memorial Park sa Dasmariñas, Cavite, bandang alas-tres ng hapon.
Pumanaw ang asawa ni Camille sa edad na 31, dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer, noong Setyembre 23 sa Makati Medical Center. (CLICK HERE for related article)
Ayon sa ulat ng entertainment reporter na si Lhar Santiago sa Chika Minute kagabi, Setyembre 27, muntik pa raw mabago ang araw ng libing ni Anthony.
Noong una kasi'y ala-una ng hapon ang schedule ng naturang libing. Pero, dahil sa masamang panahon ay naisip nilang ipagpaliban ito.
Pero, nang humina na ang ihip ng hangin ay nagdesisyon ang pamilya ni Anthony at Camille na ituloy na ang naturang libing.
"ALWAYS BE A LINSANGAN." Matapos ang libing, tutuloy muna raw si Camille at ang kanyang anak sa bahay ng pamilya Prats.
Hindi pa raw kasi handa si Camille na umuwi sa bahay nila ni Anthony.
Gayunman, sinuguro naman niyang malaking bahagi pa rin ng kaniyang buhay ang pamilya Linsangan.
"Hindi naman ako mawawala sa buhay nila," saad ni Camille.
"Lalong-lalo na may apo, dahil nandiyan si Nathan.
"And, we'll always be a family kahit wala si Anthony.
"I'll always be a Linsangan."
Aminado si Camille na mahihirapan siyang tanggapin ang reyalidad na wala na ang kanyang kabiyak.
Naluluhang sinabi ng aktres na, "Kasi, I spend everyday with him. I wake up with him, [and] I sleep beside him.
"So, lahat 'yon alam ko na hindi ko na mararanasan ulit.




0

