Kean Cipriano branches out to acting but says he will never leave Callalily band

Nerisa Almo
Thursday, September 29, 2011 @ 04:51PM  |  3814 views

 

"Hindi ako magiging ganito kung wala ang banda ko. At hinding-hindi ko iiwanan 'yon," says Callalily frontman Kean Cipriano, who's now more visible in movies and television shows.

 

Photo By: Noel Orsal














Bagamat sunud-sunod ang pagdating ng acting projects para kay Kean Cipriano, siniguro naman niya na hinding-hindi niya iiwanan ang kanyang bandang Callalily.

"Siyempre, 'yong Callalily, it's always going to be my surname.

"It's always going to be me.

"It's always going to be the air that I breathe.

"I will never ever trade Callalily for anything," sabi ni Kean nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media matapos ang press conference para sa pelikulang Praybeyt Benjamin. Naganap ito kahapon, Setyembre 28, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Kasabay ng pagkilala sa kanya bilang isang aktor, nakakatulong din daw ito upang mas makilala pa ang kanilang banda.

"I'm happy na everything's doing well sa acting at maraming ginagawang shows ngayon. May movie.

"Nakakatuwa naman dahil kasabay noon, 'yong banda ko, siyempre, mas nakikilala ako. Mas malawak 'yong naabot kong range ng tao."

Sa kabila ng paggiging abala niya ngayon sa pag-arte, hindi naman nakakalimutan ni Kean na magbigay ng panahon sa kanyang hilig sa musika.

Sa tuwing may bago siyang proyekto, ang sinasabi ni Kean ay, "Dapat ang Friday, Saturday, Sunday ko, gig days ko 'yon.

"Oras ko 'yon para sa banda ko, tour namin sa mga probinsya namin 'yon or sa ibang bansa.

"Hindi ako magiging ganito kung wala ang banda ko. At hinding-hindi ko iiwanan 'yon."

ENTERTAIN THE PUBLIC. Unang nakitang umarte si Kean sa youth-oriented show ng TV5 na BFGF. Mas lalo pa siyang nakilala nang mapasama siya sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank, na naging patok sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.

Sa natamong tagumpay ng nasabing indie film, umaasa rin ba si Kean na ganito rin ang makakamit ng Praybeyt Benjamin?

Sagot ni Kean, "Magkaiba naman kasi siya, e. Magkaiba siya ng klase.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name