Mas masaya at mas may confidence na raw si Vice Ganda ngayon sa bago niyang pelikulang Praybeyt Benjamin kumpara sa title-roler niyang Petrang Kabayo.
"Masaya at hindi yata ako masyadong kinakabahan," panimula ni Vice Ganda nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) kahapon, September 28. Sa presscon ito ng Praybeyt Benjamin sa Dolphy theatre sa ABS-CBN compound.
"At saka, mas kampante ako ngayon kesa noong Petra," pagpapatuloy niya.
"Kasi, noong Petra, hindi ko alam kung paano ako tatanggapin ng tao."
"Pero ito, kalahati pa lang ang nada-dub ko, naka-quota na ako sa tawa.
"Proud na 'ko rito. Kasi, yun naman ang gusto ko, ang makapagpatawa."
GAY EXPERIENCE. During the panel interview, marami ang nagulat, at the same time, nagpalakpakan na entertainment press sa ginawang pag-amin ng veteran actor na si Eddie Garcia.
Tungkol ito sa pagkakaroon daw niya ng experience sa bading when he was young. Dahil dito, sumunod na rin na umamin sina DJ Durano at Carlos Agassi na gaya ni Eddie Garcia ay may karanasan na rin daw siya sa bading.
Ayon kay Vice,"Bukod sa nagulat, natuwa ako.
"Ano yun, liberating para sa kanila, 'no! At saka, yun nga, natuwa ako sa sinimulan ni Sir Eddie."
Dahil parang naipo-promote ang mga bading?
"Hindi naman sa ipino-promote. Ayoko naman ng pino-promote rin.
"Sinusuportahan ko lang. Kasi, karapatan din naman nila yun bilang tao.
"Hindi bilang bakla. Suportahan natin sila bilang mga tao."
Naipakita raw sa pangyayaring yun na wala namang masama na aminin ang naturang bagay.




0

