Vice Ganda on Kean Cipriano,  the only guy during the presscon to say he has not had a relationship with a homosexual: "Yung experience lang siguro ang na-miss niya. Pero, nakakabawi rin naman siya sa ibang bagay. At saka, hindi naman nating kailangang idikta sa mga lalaki na, 'Hoy, ang arte mo, kailangan mong magpaganun ka sa bakla!' Kasi choice din naman nila yun. At karapatan din nila kung gusto nilang umamin o hindi, kasi katawan at pag-iisip nila 'yan."

Photo: Noel Orsal

Matinding pasabog ang nangyari sa presscon ng Star Cinema at Viva Films movie na Praybeyt Benjamin kahapon, September 28, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Ito ay makaraang aminin ng ilan sa male cast ng pelikula na sila ay nagkaroon na ng experience sa gays.

Ikinatuwa at nagpalakpakan pa ang mga press na dumalo sa dahil sa pagiging open at honest nina Eddie Garcia, DJ Durano, at Carlos Agassi.

Pinakahinangaan ang veteran actor na si Eddie, na nanguna sa pag-amin na nangyari ito sa kanya noong 15 years old daw siya.

Hirit pa ni Eddie, "Kailangan lahat ng bagay sa mundo, kailangan mong subukan!"

Dahil nga kay Eddie, napaamin na rin si DJ, "Opo, kailangan talagang ma-experience yun dahil masarap."

Sumunod na tinanong si Kean Cipriano, pero tanging siya lang ang nagsabing wala pa siyang naging experience sa isang gay.

"Hindi pa. Ako, mero'n pa akong mga hindi nararanasan sa mundo," sabi ni Kean.

"Though never pa akong naka-experience, pero I just think that gay people are happy people. Kaya I respect them whole-heartedly," ayon kay Kean.

Sabi tuloy ni Carlos kay Kean, "Sasabihin ko kawawa ka naman pala, bro.

"Ikaw na lang pala ang hindi. Gaya ni Tito Eddie, mahilig din akong mag-try."

VICE REACTS. Pinuri ng bida ng Praybeyt Benjamin na si Vice Ganda ang pag-amin ng tatlong aktor, lalo na si Eddie.

"Masaya ako para sa kanya rin. Masaya ako na naranasan niya yung masasayang bahagi ng pagkabata.

"At saka, magandang pagkakataon para sa kamulatan din ng nakararami na, 'Hello, Eddie Garcia nga, walang kaarte-arte. Kayo pa ba na hindi naman kayo si Eddie Garcia ang umaarteng umamin.'

"Kung si Tito Eddie naniniwalang hindi ito malaking kabawasan sa pagkatao niya sa pangyayaring ito sa kabataan niya, anong kabawasan sa inyo?