Nadine Samonte maintains relationship with GMA-7 colleagues although she's now with TV5

Demai G. Sunio-Granali
Friday, September 30, 2011 @ 05:15PM  |  10874 views

Nadine Samonte on former home network GMA-7 after transferring to TV5: "Wala namang ano, e... parang wala naman kaming iniwan na negative about them. I'm so thankful pa nga lagi to them. Hindi naman ako magiging Nadine Samonte kung hindi rin naman dahil sa kanila."

Photo By: Noel Orsal













Hunyo nitong taon nang pormal na inanunsyo ng TV5 ang paglipat ni Nadine Samonte sa kanila bilang contract artist. (CLICK HERE to read related article)

Nanggaling si Nadine sa GMA-7 kung saan una siyang nakilala sa reality talent show na Starstruck.

Ayon kay Nadine, hindi raw naging madali ang desisyon niyang lumipat sa TV5.

"Actually, at first it was hard. Kasi, I was with Channel 7 for seven years, e," kuwento ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap ito sa Blackberry event sa Makati noong Lunes, September 26.

"Parang ang hirap ng adjustment, lalo na yung magpapaalam ka na. Kasi, naging family ko na rin sila, e," ang sabi ng aktres.

Ano nga ba ang naging dahilan ng paglipat ni Nadine?

"Dumating kasi yung point na kailangan ko ring mag-grow as an artist.

"Nitong kinukuha na ako ng TV5 for ibang projects—yung [magpapakita ng] ibang Nadine—kinausap ko yung family ko.

"Tapos, nag-usap-usap kami about doon. Parang, para maiba naman ako.

"So, nung lumipat ako, medyo nakakahiya in a way.

"Siyempre, sila yung nag-build up sa akin. Pero, in a way na kailangan ko rin for myself. Yung gano'n.

"Pero, okay naman yung naging paalamanan namin. Wala namang naging problema."

GRATEFUL. Ayon mismo kay Nadine, hindi niya kailanman makakalimutan ang naitulong ng GMA-7 sa kanyang showbiz career.

Kung kaya, kahit wala na siya sa bakuran ng Kapuso network, nananatili ang respeto niya sa management at sa mga nakatrabaho niya roon.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name