"It's not right, e. It's not part of a human to say bad things about another person. It's very depressing. Especially, when you're tired from work," says Bela Padilla on hate mail and messages she still receives from fans of Marian Rivera.

Photo: Noel Orsal

Sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela Padilla sa fashion show ng designer na si Francis Libiran, na ginanap sa lobby lounge ng Makati Shangri-La kahapon ng hapon. Sa nasabing interview, muling naungkat ang matagal nang hidwaan nila ni Marian Rivera.

Pagkatapos magkabati nina Marian at Rhian Ramos, tinanong ng PEP si Bela kung willing na rin ba itong makipagbati sa girlfriend ni Dingdong Dantes.

"After what happened, kinalimutan ko na iyun, e.

"Kaya lang, until now, nakaka-receive pa rin ako ng mga hate mail from her fans," sumbong ni Bela.

Nasasaktan lang daw siya minsan, na pagbukas niya ng Internet ay kung anu-anong mga negatibong komento ang natatanggap niya, na obvious daw na galing sa kampo ni Marian.

Naniniwala naman siyang walang kinalaman dito si Marian. Maaaring hindi rin daw ito alam ng aktres, pero hindi niya maitatangging apektado pa rin siya sa mga panlalait na natatanggap niya.

"It's not right, e. It's not part of a human to say bad things about another person.

"It's very depressing. Especially, when you're tired from work.

"I work like other people too, you know. The difference is that I put makeup on.

"Pero, yung trabaho ng artista, minsan mas mahirap pa sa trabaho ng accountant, ng teacher.

"'Na 'di n'yo lang alam na puyat na puyat din kami. Tapos, 'pag nagbasa ka, ganun pa ang nababasa ko," himutok nito.

Hindi naman sinisisi ni Bela si Marian dito, pero sana tigilan na raw siya ng mga fans nito. Patuloy pa rin daw sila sa paninira sa kanya, kahit hindi na raw ito ganun karami kung ikumpara nung kainitan ng kanilang hidwaan.

"Sometimes it's sad, these things na...You know, I didn't ask for this situation, but I was put here.

"So, it's really up to me na. I have to work double-time to erase everything and that's what I'm doing right now.