Consistent ang mga sagot nila Luis Manzano at Jennylyn Mercado na hindi pa umaabot sa pormal na relasyon ang samahan nilang dalawa.
Marami tuloy ang nagtataas ng kilay kung bakit kinakailangang mag-deny pa raw ang dalawa kung totoo ngang may relasyon na sila.
Kapwa naman silang single at walang matatapakang tao kung saka-sakali, lalo't nagpahayag naman si Governor Vilma Santos na boto rin siya sa aktres para sa anak.
Para sa iba, hindi nila maintindihan ang desisyon ng dalawa na wag pa raw aminin kung mayroon nga talagang dapat aminin.
Nang nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na interbyuhin si Luis, klinaro niyang wala pa naman talaga sila.
TERM OF ENDEARMENT. Lalo kasing umugong ang balita tungkol kina Luis at Jen nang lumabas ang kuwento na "Love" daw ang term of endearment ng dalawa sa isa't isa.
"Ang sa akin lang, kung hindi naman talaga, ano ang aaminin namin? Ano ang gusto ng tao? Lolokohin ko sila o magsisinungaling ako sa kanila? Bakit ako aamin sa hindi pa naman, kasi hindi pa naman talaga," ang sabi ni Luis.
"Alam ko naman na dun papunta yun, pero kung aamin sa hindi naman talaga e, di sana aminin ko na rin yung pagpatay kay Lapu-lapu.
"Tutal, nagkakaaminan naman ng wala e.
"Wala pa naman talaga, pero hindi ko sinasabing hindi puwedeng mangyari, dahil yun ang intensyon ko."
Agad naming tinanong si Luis, kung wala pa nga talagang relasyon, bakit matunog na "Love" ang tawagan nila ng aktres?
At gaano katotoo ang mga balitang 'pinagluluto niya raw ng pasta si Jen, na paborito raw nito?
"Nag-evolve na e, nagsimula talaga sa mat. Mat yung twagan namin. Grappling mat, as in sahig talaga, kasi nagte-training kami together.
"Bakit 'Love?' Sinagot ko na 'yan sa Kris TV. Napaka-espesyal niya sa puso ko, so why not 'Love'? Yes, she also calls me, 'Love,'" aniya.
Tungkol sa pagkain at pagluto, ito ang sabi ng anak ni Vilma Santos at Edu Manzano: "Actually, a few times pa lang ako nakapaghanda sa kanya, mas siya ang naghahanda para sa ASAP family.




0

