Pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga, kung saan huli siyang napanood sa Green Rose, kumpirmadong sisimulan na ni Jericho Rosales ang isang bagong teleserye sa ABS-CBN.
Ito ay ang Padre de Pamilya kung saan makakasama niya ang batikang aktor na si Christopher de Leon at si Piolo Pascual.
Hindi naman itinago ni Jericho ang excitement nang maka-usap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), lalo't kakaiba raw ang role na gagampanan niya sa nasabing serye.
"Lahat kasi ng characters dun sa show naming yun, lahat may flaws. It just so happens na yung character ko ang may pinakamaraming angst.
"I'm very excited about this role. It's a different role so I really need to prepare. Kailangang ihanda ko ang sarili ko sa role na makikita nila everyday," ang sabi ni Echo.
"It's a very good role and then maganda rin talaga yung istorya kaya sobrang excited ako. This is also the first time na makakasama ko si PJ sa isang soap.
"Matagal-tagal ko nang pangarap na magkasama kaming dalawa. Tapos kasama pa namin si Sir Boyet de Leon, so wow di ba? Tapos Maricar Reyes, Rafael Rossel and marami pang iba."
Halos magkahilera sila ni Piolo kung husay sa pag-arte ang pag-uusapan. Marami ang nagtatanong kung di raw kaya magkarooon ng sapawan lalo't pareho silang intense actors.
"Hindi ko iniisip yun. I'm excited kasi alam ko na pareho kaming gigil ni PJ na magkasama sa trabaho at pareho kaming excited.
"Ako, mas excited ako sa result ng taping namin kaysa sa mga sasabihin ng mga tao. Ako, tinatanggal ko sa sarili ko yung kumparahan. Although it's very exciting talaga na makikita mo kami na magkasama sa eksena," ani Echo.
EXCITED TO WORK WITH BOYET. "Nung nakatrabaho ko si Sir Boyet dati, buhay na buhay yung dugo ko. Dun ako excited, kasi alam kong magiging maganda yung produkto, it's thrilling talaga.
"Hindi ko iniintindi yung pinagkukumpara kami kasi pag nandun na ko sa set, team player ako.
"In a lot of ways, I'm a leader. In a lot of ways, team player din ako pagdating sa ganitong mga bagay.
"The goal is not to outshine, to upstage o makipag-compete. Do your best so you will get the best results."
Nanggaling si Echo sa New York kung saan nag-aral siya ng filmmaking and acting. Ang ginawa kaya niyang pag-aaral sa acting ay paghahanda para sa nasabing role?




0

