Tila nawiwili si Regine Velasquez sa pagiging homebody ngayon dahil sa kanyang pagbubuntis. Ayon sa Asia's songbird, depende ang kanyang showbiz comeback sa kanyang pangangatawan.

Photo: Noel Orsal

Marami ang natuwa nang masilayan si Regine Velasquez sa mini-concert at launch ng Ogie Alcasid OPM fragrances ng Bench noong September 30 sa SM Mall Of Asia.

Bihira na kasing makita ng publiko ang songbird mula nang i-anunsyo nito ang pagbubuntis niya noong Abril sa programang Party Pilipinas.

Miss na miss na nga siya ng kanyang fans.

Pero nami-miss ba ni Regine ang showbiz?

"Hindi masyado," bulalas ng multi-awarded singer.

"Of course, I miss hosting. I miss singing. I miss performing. Pero at the same time, I also like the rest that I've been getting now.

"Kasi I realized, you know, since I started, I never really rested. In all my 25 years [in showbiz], I never really rest.

"So it's only now that [I am doing it]. So I'm enjoying it. But medyo naiinip kaya ako pinapasyal ng asawa ko."

Nabanggit ni Regine na madalas silang namamasyal sa mall ngayon ng asawang si Ogie bilang pampalipas oras.

"I'm advised naman to walk around, e. Pero ngayon medyo hirap na kong maglakad, e," kuwento ni Regine.

Halos walong buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at inaasahan siyang manganak by December.

Pinag-uusapan pa nila ng kanyang asawa kung ano'ng petsa iluluwal ang batang papangalanan nilang Nathaniel James.

Caesarean kasi ang magiging delivery ni Regine kaya pwede nilang piliin ang magiging birth date ng anak.

Sobrang excited na nga ang mag-asawang Alcasid na makita ang kanilang baby.

Subalit wala silang gaanong paghahandang ginawa para sa pagdating ng bata.