news

Lolit Solis comments on Annabelle Rama-Nadia Montenegro child-abuse case and Nora Aunor's smoking-photo issue

by Elli Alipio posted on October 3, 2011  STATS: 2016 Views | 28 Comments

 

"Noon ko na-realize kung gaano ako kabobo. Sixteen years na yun ang binabati ko, pero hindi ko siya mabasa. Hindi ko siya mabasa kung wala yung listahan ko. Kailangan meron talaga yung listahan ko, pag wala, wa! Wa, forget!" says Lolit Solis about her "alok-bati" portion on Startalk.

Photo By: Noel Orsal

Ngayong Oktubre ay nagdiriwang ng kanilang 16th anniversary ang weekly showbiz talk show ng GMA-7 na Startalk. 

Kaya naman binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang set ng Startalk noong Sabado, October 1, sa Studio 6 ng GMA Network.

Dito ay nakausap ng PEP ang isa sa mga hosts ng programa na si Lolit Solis—o mas kilala sa bansag na "Manay Lolit."

Kasama rin niya sa programa sina Joey de Leon, Butch Francisco, at Ricky Lo.

Among the original hosts of Startalk, si Manay Lolit na lang ang naiiwan. Ang mga unang hosts ng programa, bukod sa kanya, ay sina Kris Aquino at Boy Abunda na parehong nasa ABS-CBN na.

Hindi pa ba nagsasawa si Manay Lolit sa paghu-host ng Startalk for 16 years?

"Bakit ako magsasawa? E, ano, di ba, eto na nga lang ang ano ko... at saka wala naman akong ginagawa diyan kundi sa alok-bati ko, 'no!" natatawang sabi niya.

Ang ibig niyang tukuyin dito ay ang ginagawa niyang pagbati sa mga kaibigan niya at pagbanggit ng ilang sponsors niya. Naging tampulan na ito ng biro, dahil sunod-sunod ang pagbati ni Lolit, hangga't naging biruan na rin na oras ang pagbati niya.

Dagdag ni Lolit, "Noon ko na-realize kung gaano ako kabobo.

"Sixteen years na yun ang binabati ko, pero hindi ko siya mabasa. Hindi ko siya mabasa kung wala yung listahan ko.

"Kailangan meron talaga yung listahan ko, pag wala, wa! Wa, forget!"

HOW TO BE A MANAGER. Bukod sa pagiging isa sa mga hosts ng Startalk, si Manay Lolit din ang isa sa itinuturing na "most powerful talent managers" sa Pilipinas.

Ilan sa mga hinahawakan niyang artista ay sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Senator Bong Revilla, Rep. Lani Mercado, Tonton Gutierrez, at Mark Herras.

Dahil isa rin siyang talent manager, kinuha ng PEP ang opinyon ni Manay Lolit sa kasong child abuse na isinampa ni Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama.

Ito ay may kinalaman sa pagtatrabaho ng mga anak ni Nadia ng higit sa 40 hours.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

28 Comments

  • 28  totoysipa

    10/08/2011 | 07:32 AM
    27maton. Good points you wrote there. However, anyone is better than Crisrty Fermin, lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  Maton_1234

    10/07/2011 | 10:14 PM
    I think this woman is actually a good person. Kunyari nya lang yung datung pero sa totoo kahit di sya bigyan ok lang sa kanya. Kahit bag lang or anything from her alagas ok na sa kanya kaya well-loved and respected pa rin ng showbiz despite the scam years back. Si Joey pa makasama nya na nuknukan ng pagka-prangka at grabe pumuna pag ayaw nya. Kaya I believe she is a lot better than Cristy Fermin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  myrth

    10/07/2011 | 12:01 PM
    HALO.....ang gagaling naman ng iba dito manghusga.kala mo ang lilinis.tse!kala mo naman napakaperpekto na.kung ayw nyo kay LOLIT SOLIS,dapat di nyo na binasa ang boud ng story. e nagbigay pa kayo ng time mag comment.kahit ganyan yan may pagmamahal sa mga alaga nya.di tulad ni Annabel,SIGA.para katakutan sa showbiz.isang anak lang naman sikat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  akoydreamer

    10/05/2011 | 01:05 PM
    hahaha oo nga naman SI NOra Aunor naman kasi ang nagyoyosi, mabuti nalang yosi lang at hindi drugs ang tinira.O diba napabalita na syang user daw? Iba kasi ang image ni Nora Aunor kina Sharon at Vilma, yung dalawa eh mejo clean image pa unlike Maricel and Nora.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  totoysipa

    10/05/2011 | 01:14 AM
    Comments make more sense than the interview, LOL! A moneyger like her handling supposed to be major stars, then now we understand better why Philippine showbiz is the way it is now. You have to have a bully of a manager like this Lolit and someone like Annabel Rama to make it, never mind wheteher you have the talent or not.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  ehemm

    10/04/2011 | 11:43 PM
    teray lols at na vouvou. ang haba nga ng article, ang daming sinabi pero wala lols. yeah, parang si yun nga. yun na yun. ganyan ganito ganon lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  imayberight

    10/04/2011 | 12:00 PM
    hahhaa si jillian ward nasali pa.. haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  swissmatz

    10/04/2011 | 07:31 AM
    Korek ka don manay Lolit.. Dapat laging nagmamahalan ang manager at talent... di lang pang business kungdi parang magnanay or mag ama ang turingan. Thumbs up ako sa iyo pagdating sa mga alaga mo,, kc talagang pinagtatangol mo sila lalo na at alam mo naman na nasa katwiran ang mga anak anakan mo... Because of u manay Lolit im enjoying watching startalk kahit pulos greetings lang ang ginagawa mo kasi masayahin ka, kaya nag eenjoy akong panoorin ka at kapag niloloko ka ni Joey... hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  inggiteraparin

    10/04/2011 | 03:30 AM
    ehemm pati ako na vouvou hindi ko pa rin makuha ano pinagsasabi ni manay lolit. puro ano, di ba, ganyan..lols. parang si ano, di ba? yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  fecatada

    10/03/2011 | 09:46 PM
    sense ko lang takot magsalita si Lolit against kay Annabelle hahahaha.......Mahirap kalabanin si Bisaya kasi......I love Annabelle totoong tao....walang paki kung anong sasabihin nang iba. Go Annabelle you're 100 percent in good path.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  piola_pascual

    10/03/2011 | 09:33 PM
    Si Lolit to the max talaga pag nagmahal ng alaga kaya nga niya nagawa yung MMFF scam eh. Kahit yung mga iba pa niyang alaga na sina Bong at Lani, LT, Tonton, Mark... lab na lab siya talaga. Di ba nung nag aaway sina Lani at Gretchen eh talagang tinatalakan ni lolit si la greta. Sina Ruffa G. at Ruffa Mae din eh hindi pinalampas ni Lolit nung nagkaroon ng isyu kay Bong Revilla. Love kasi ni manay si Lani.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  ehemm

    10/03/2011 | 05:44 PM
    lols. i had to read the article after i read the comments. oo nga, tita lolit is nahawa na sa gf ni dongding na puro ganito ganyan ganon ano ano lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pharker00

    10/03/2011 | 05:26 PM
    Yung mga nag cocomment dito at makapamintas akala mo naman mga perfect at may sence sila... hayys mga pinoy talaga sorry ha masyadong perfectionist wala naman...... culture na talaga natin pero di maganda kaya nakakapang hinayang.. sumobra naman kasi tayo sa freedom of expression kaya wala ng mga dicipline.. kakalungkot...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  MARKY2000

    10/03/2011 | 05:15 PM
    Nakakabwiset na talaga ang Smoking-Issue photo ni Ate Guy huh!!!Walang sense ito please!Hindi naman bata si Ate Guy?Sh'es not 16 yrs old. at marami namang celebs na nagpa-pictorial na naka sigarilyo like Brad Pitt sa Fashion Magazine at marami pang iba.Huwag nang gawan ng issue!Alangan namang magpa-pictorial si Ate Guy na naka LOLLIPOP???O nakasuot ng Barbie attire noh???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  tangerine_dream114

    10/03/2011 | 05:05 PM
    only in the phils... isang taong proven na nandaya sa mmff ay heto at nasa tv pa rin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  CNN7

    10/03/2011 | 04:46 PM
    NAY LOLIT, naki nanay, heheheheehehe. Pakisabi po sa alaga nyong si MARK HERRAS mag WORKSHOP naman. ILang years na siya sa showbiz wala pa ring improvement. Marunong lang sumayaw. NAKAKASAWA na. SINUSUKA na. Buti pa si EJAY FALCON. Grabe. Malaki yung improvement pagdating sa akting. Puro social networking at chatting inaatupag ni mark. Kaya nagkaka issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  semsem

    10/03/2011 | 03:45 PM
    in all fairness, di ko naintindihan mga sinabi nya.. D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  onewithkapsuo

    10/03/2011 | 02:16 PM
    in fair to manay gusto ko sya hahaha nakakatawa sya lalo na pag hinaharot na sya ni joey hehehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  JokoNazMan

    10/03/2011 | 01:38 PM
    kelan kaya magiging kultura ng pinoy ang intelligent issues, talks and discussion? kelan kaya uunlad ang pinas? masyado na tayong napag iiwanan ng iba. Tayo rin naman lahat ang makikinabang sa pagbabagong gusto ng lahat.... tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kaepalmilya

    10/03/2011 | 01:23 PM
    8 pareho kayo bwahahahahhaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About