ATE GUY'S SMOKING ISSUE. Tinanong din si Manay Lolit kung ano naman ang masasabi niya sa pinag-uusapang cover pictorial ni Nora Aunor sa YES! magazine kung saan may hawak itong sigarilyo.
"Matagal nang nagyoyosi si ano [Guy]... So? Bakit? Anong masama do'n?
"Di ba, yung... Di ba, gumaganap naman sila ng role na nagyoyosi sila? What's wrong with that?
"Di ba, napaka-plastic naman natin? Masa-shock akong... masa-shock akong nakitang nagyoyosi, sino... kung si Jillian Ward!
"Maso-shock ako, di ba?" sabay tawa ng Startalk co-host, patungkol sa Kapuso child star.
"Kung si Jillian Ward ang nagyoyosi.
"E, si Nora Aunor? May apo na siya, may ano, so, di ba?
"Yung iba nga teenager, e, nagyoyosi.
"Napaka-plastic naman no'n!
"Kung si Jillian Ward talaga 'yon, magre-react ako!
"Pero Nora Aunor naman 'yon, 'no! Ano ba 'yon?
"Saka paano magkakaroon ng issue? E, ang dami-daming artistang nagsisigarilyo, di ba?
"At dati na siya nagsisigarilyo, oo.
"E, di ba ano, isang hangang-hanga sila kay Guy, umiinom at nagsisigarilyo, pero maganda pa rin ang boses?"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
8 minch
7 kaepalmilya
6 tvpetra
5 jjjjjjjjjj
4 kaepalmilya
3 Deane_2005
2 skittlesrainbow
1 puckerlips143
more comments