news

Annabelle Rama fires back at Nadia Montenegro: "Dapat ikaw ang ipakulong, dapat ikaw ang gapusin, wala kang kwentang nanay!"

by Rommel Gonzales posted on October 3, 2011  STATS: 502630 Views | 171 Comments

 

"Dapat siya ang idemanda ng abuse kasi hindi niya inalagaan ang mga anak niya, e. Pinagtrabaho niya, hindi niya alam anong oras umuwi, tapos nagrereklamo siya!" says Annabelle Rama (main photo) about Nadia Montenegro (inset).

Photo By: Noel Orsal

Nahaharap ngayon sa mga kasong "child abuse" at "oral defamation" sa Quezon City Prosecutor's Office ang talent manager na si Annabelle Rama.

Idinemanda si Annabelle ng dating aktres na si Nadia Montenegro, ina ng TV5 talents na sina Alyanna Asistio, 17, at Annika Asistio, 15.

Kapwa talents ni Annabelle ang dalawang anak na ito ni Nadia sa ilalim ng Royale Artist Management.

PAGLABAG SA MANAGEMENT CONTRACT? Sa isinumiteng four-page affidavit ni Nadia, kasama ang dalawang anak, noong Biyernes, September 30, inakusahan nito si Annabelle ng paglabag diumano sa kasunduan sa kanilang management contract.

Sa halip na tatlong taon lamang ay pinalawig daw ni Annabelle ang kontrata to five years, forcing her daughters to work under the talent manager's supervision.

PINAGTRATRABAHO NG SOBRA SA ORAS? Ayon pa sa isinumiteng affidavit, pinilit diumano ni Annabelle na magtrabaho ng apatnapung oras kada linggo ang dalawang menor de edad at kinumbinsing maging prayoridad ang showbiz kesa sa pag-aaral.

INUUNA ANG PAGTRABAHO KAYSA SA PAG-AARAL? Sabi ni Nadia, "As my children's manager, Rama failed to protect the interests of my children by making them work even during school hours to the detriment of their grades, giving them the impression that the same was required by the network and that they either 'take it or leave it.'

"I even learned that when she was alone with my children, Rama would convince my children to choose work over their education, giving them the impression that they need to give up their education to be able to be successful in their career."

PINAGSUSUOT NG "SEXUALLY SUGGESTIVE" CLOTHES? Maliban rito, isa pang alegasyon ni Nadia laban kay Annabelle ay ang pagpapasuot daw nito ng "mature and sexually suggestive" na mga damit. Binanggit rin ng dating aktres ang diumano'y pag-attend ng mga anak niya sa mga social events kung saan nae-expose raw ang mga ito sa "circumstances that were prejudicial to their morals."

Pinagalitan din diumano ng talent manager ang dalawang dalagita nang tumanggi silang magsuot ng seksing damit at mag-entertain ng ilang "influential" at "powerful" na kalalakihan.

CHILD ABUSE? Ayon kay Nadia, nilabag daw ni Annabelle ang Section 2 ng Republic Act 7610, o Anti-Child Abuse Act, na nagsasabing ang mga batang may edad disiotso pababa ay hindi dapat pagtrabahuhin ng higit apatnapung oras kada linggo.

VERBAL ABUSE? Dagdag pa ni Nadia, maituturing namang "oral defamation" batay sa Article 358 of the Revised Penal Code of the Philippines ang "verbal abuse" na naranasan ng kanyang mga anak kay Annabelle.

SPREADING GOSSIP ABOUT THE CHILDREN? Ikinagalit din ni Nadia ang aniya'y pagpapakalat ni Annabelle ng tsismis tungkol sa kanyang mga anak.

Limang taon ang pirmadong kontrata ng mga anak ni Nadia sa ilalim ng management company ni Annabelle.

Ngunit dahil daw sa mga pangyayaring nakasaad sa kanyang pormal na reklamo, nais na raw nitong tapusin ang propesyunal na ugnayan nila.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

171 Comments

  • 131  totoysipa

    10/05/2011 | 12:39 AM
    Pepsters, allowed sa batas na magtrabaho ang mga batang menor de edad. Kaya nga maraming child actors. Sina Captain Barbell at Captain Barbie, noong maliliit pa eh nagtrabaho din sa showbiz. Lahat ata ng anak ni Annabel nagtrabaho na sa showbiz noong menor de edad pa lang. Ang tanong dito, hindi yung nagtatrabaho ang menor de edad, kundi naaayon ba sa batas ang working hours at appropriate ba ang pinagagawa o pinasusuot sa kanila? Pareho lang itong sina Nadia at Annabel. Nagkatapat din ang magka-level, LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  inggiteraparin

    10/05/2011 | 12:12 AM
    hindinnaman mukhang mayaman si nadia ngayon, mukha na nga siyang yaya kaya pede sya tumanggap ng mga roles na yaya, mayordoma, kusinera kasi bagay na bagay sa kanya. huag na mga anak nya. at isa pa 11 years old si nadia noong mag artista din eh tapos nagseksi seksi sya din at the age of 13 o baka si kristine yun na anak ng dating sexy star...teka sino na nga pala un at napakagandang bata ..tabain din sya... NA OT tuloy ako...hayuf! lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 129  inggiteraparin

    10/05/2011 | 12:05 AM
    122 ehemm haahha labs na labs kita ma friend kasi kahit anong inglis ko tama pa rin sa iyo at talagang napaka understanding mo lols for my english and also for my kahayufan lols agen.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  ehemm

    10/04/2011 | 11:34 PM
    lols at nadia on wish ko lang... funny talaga these pepsters
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  shidax

    10/04/2011 | 11:21 PM
    milagro yata hindi nagpa interview si nadia.........takot lang sigurong tanungin siya sa mga utang at totoong buhay nya ngayon.swerte nga siya kay anabelle dahil naawa at parang anak na ang turing sa kanya.baka mamaya makikita nalang natin si nadia sa wish ko lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  pinoycali_ako

    10/04/2011 | 09:27 PM
    Nadia, go work instead of feeding your pie hole using your kids money! Tama naman c Anabel this time, you are definitely barking at the wrong tree Nadia. Buti nga sayo kung makulong ka sa pinagagawa mo! Kakahiyang babaeng ito, child abuse daw...ngeek!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  walkamingirl

    10/04/2011 | 09:06 PM
    anabelle is right. even if cash advance ang P 1M, whatever the talent will get she shld get her commission.Nadia, live within ur means.kung anong makaya sa bulsa yon lang.why do u have to show to d world that ur rich at the expense of ur kids?do u really have to rent a house for 100k a month? huwag magpabongga f inutang mo lang..live a simple life.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  tili_2death

    10/04/2011 | 08:52 PM
    ano kamo Nadia--inubos mo yung kaban ng dating Mayor? nawalan na kayo ng bahay sa BlueRidge, cry me a river din kayo sa utang? wow!!! Inaway mo pa kasi si Gretchen, siguro tinulungan ka pa niya--Iba talaga pag Cojuangco.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  tili_2death

    10/04/2011 | 08:44 PM
    Kayong dalawa ang dapat ipakulong!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  ehemm

    10/04/2011 | 07:37 PM
    teray, my funny friend, lols at nonsense story and loquacious momma anabelle. it is okay if you run out of english and some people corrected by it again, you defense it like always - that you are still correct lols. fight for your right to english like the family that fights together lols. makibaka, wag matakot. makibaboy na rin, makikambing, makipusa, makituta, maki dd lols...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  pepmosa

    10/04/2011 | 06:40 PM
    dating mayor asistio..walang bahay?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  yobuchi

    10/04/2011 | 04:39 PM
    TEAM ANNABELLE NA KAMI! gogogogogo away na to!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  seasons

    10/04/2011 | 04:06 PM
    What a conflict! Annabel a mother itself didnt mind if her kids will be working underage..moneymoney and blingsblings, the world of pinoys and pinays. wag na kasing ipokrita. Annabel, shut up your poisonous mouth to the youth of today. Its very masama!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  zecksiegirl

    10/04/2011 | 03:55 PM
    yan si nadia known utangera nga meron akong kilalang designer nagpagawa sya ng mga gowns talbog na cheke binayad di na pinalitan kawawa naman yun designer
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  pilyangmaganda

    10/04/2011 | 03:29 PM
    I love Annabel! Kahit medjo may pagka praneng yung mga issues nila sa anak niya nakakatawa talaga si Bisaya! Nag iisa lang siya! Siya ang dapat tawagin na Love her or Hate her! Not kris aquino! SI KA dapat Hate her- so annoying!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  itnok

    10/04/2011 | 03:22 PM
    team bisaya ako dito hehehe malamang open secret naman sa showbiz yang gawain ni nadia. nakakagalit talaga yung ganyan, siya na nga tong may utang siya pa ang may ganang mang demanda. kakaiba!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  kerie02

    10/04/2011 | 02:45 PM
    kaya yan ni nadia mas malala pa nga ang kay ms kris na tungkol sa tulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  sheepangga

    10/04/2011 | 02:40 PM
    hmmmm, most things annabelle said seem true .. except that part she says she's not into pambubugaw - liar! you are doing that - tamaan ng kidlat ang nagsi sinungaling!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  totoy_tigbak

    10/04/2011 | 02:34 PM
    At this time, I believed that Ms. Rama is telling the truth,, ahihihi,,,, Ayus ka Day!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  mx3

    10/04/2011 | 01:33 PM
    30k pam bertday sa dating mayor, kaliit na budget, compliance lang cguro para masabing nag handa sa birthday....impractical... wala na nga, nag handa pa sa birthday... dagdag utang na naman....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About