Lovi Poe on relationship status with Ronald Singson: "Well, for now, it's hard for me to say."

Jocelyn Jimenez
Wednesday, October 05, 2011 @ 04:59PM  |  45247 views

 

"Well, for now, it's hard for me to say. Ngayon kasi, a, wala akong iniintindi kung hindi 'yong sarili ko muna because—wala. I think I'm happier this way. Kumbaga, bata pa ako. Let's see what will happen in the future, mahirap na, e. Kahit sabihin mong ilang buwan lang 'yon, matagal din pala," says Lovi Poe about her relationship with politician and businessman Ronald Singson.

Photo By: Noel Orsal













Kagagaling lang sa sakit ni Lovi Poe. Ito ay dahil daw sa sunud-sunod niyang trabaho.

"Na-overfatigue," sambit ng Kapuso actress.

"'Pag biglang pahinga from super-trabaho, tapos bigla akong magpapahinga...

"Tatlong beses na 'yon nangyari, pagkatuloy-tuloy 'yong trabaho.

"Like, months na [work] then biglang pahinga, bumababa bigla, naninibago 'yong katawan ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Lovi sa presscon ng pelikulang Aswang kaninang tanghali, October 5, sa Napoli restaurant sa Timog Avenue, Quezon City.

BOX OF BULLETS ISSUE. Bukod sa pagod, isa rin daw rason ng kanyang pagkakasakit ay "stress."

May intriga kasing naglalabasan tungkol kay Lovi, sa dati niyang nobyo na si Ronald Singson, at sa leading man niya sa My Neighbor's Wife na si Jake Cuenca.

Ayon sa reports, may nagpadala raw ng "box of bullets" kay Jake.

Ang hinala ng iba, galing diumano ito kay Ronald, na kasalukuyang nakakulong sa Hong Kong dahil sa drug case nito.

Nauna nang itinanggi ni Jake ang naturang issue, at sinabing hindi ito magandang tsismis. (CLICK HERE for related article)

Nang hingan ng reaksiyon si Lovi tungkol dito sa presscon kanina, sabi niya, "Unang-una, nakakahiya kay Jake. Nakakahiya sa pamilya ni Jake, kasi hindi magandang balita.

"Most of all, nakakahiya sa Singson family at kay Ronald.

"Si Ron nandoon [sa Hong Kong]. He's going through something right now.

"Nananahimik 'yong tao, tapos ginagawan ng mga ganoong issues.

1  2  3  Next »

Related Articles

39 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name