Cristine Reyes says she didn't expect wife role in No Other Woman: "Ako rin mismo, na-surprise ako dahil ako ang wife."

Glen P. Sibonga
Thursday, October 06, 2011 @ 10:10AM  |  60229 views

 

Cristine Reyes on people who enter into illicit affairs: "Isipin n'yo kung sa inyo nangyari yun, 'di ba? Masakit yun. Iwasan na lang natin yung mga bagay na ganun. Alam naman natin na masama yun, di ba?"

 

Photo By: Noel Orsal













Prangka ang naging pagsagot ni Cristine Reyes sa no-holds barred interview sa kanya ni Boy Abunda sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, October 5.

Bago ang tanungan ay binati muna ni Boy si Cristine dahil sa tinatamasang tagumpay sa takilya ng pelikula nitong No Other Woman, kung saan kasama rin sina Anne Curtis at Derek Ramsay.

As of last night ay kumita na raw ng P130 million ang naturang pelikula, na produced ng Star Cinema at Viva Films.

Ayon naman kay Cristine, "Yes, congrats sa aming lahat. Sa Star Cinema, sa Viva, at sa co-artists ko na si Anne and si Derek."

Ano ang pakiramdam na siya ang asawa at hindi ang other woman sa pelikula, bagay na itinatanong din ng iba pang celebrities na nakapanood, gaya raw ni Martin Nievera?

"'Di ba, Tito Boy, sabi ko rin sa inyo, ako rin mismo na-surprise ako dahil ako ang wife?" sabi ng young actress.

Usually daw kasi ay iisipin ng mga tao na mas bagay sa kanya ang other woman.

"Pero thankful ako dahil binigyan nila ako ng chance," sambit pa ni Cristine.

ON ILLICIT AFFAIRS. Sumunod nga ay naging maintriga na ang mga tanong ni Boy kay Cristine.

Ten years from now, halimbawa ay nagkatuluyan sila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz. Tapos ay nadiskubre niyang may other woman si Rayver. Ano ang gagawin niya?

"Lalasunin ko yung babae niya! Yayayain ko rin sa bahay ko!" biro ni Cristine.

Para sa kanya, kanino ang sisi kapag nangangaliwa ang isang lalaki?

"Sa lalaki," sagot agad niya.

Bakit?

"Siyempre, kung papasok ka sa isang relasyon, dapat faithful ka. Hindi ka makakasakit ng karelasyon mo."

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

29 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name