"Hindi rin namin makita 'yong point of answering questions like that kasi 'yong sa amin nga, hindi namin ma-define.
"So, mahirap i-explain talaga."
RED CROSS PROGRAM. Samantala, bukod sa kanyang pelikula with John Lloyd, may iba pang pinagkakaabalahan si Angel.
Aktibo kasi ang aktres sa mga programa ng Red Cross na tulungan ang mga nasalanta ng nagdaang mga bagyo.
Kuwento ni Angel, "Actually, ngayon meron pa akong Philippine Red Cross, and then tomorrow may operations na gagawin sa Pampanga.
"Kasi state of calamity pa rin, marami pang lubog ng baha, na hindi pa nakakapasok 'yong mga relief goods.
"Kulang nga din sa mga, alam mo 'yon, mga goods and all.
"Karamihan ng lugar na kailangan ng ready-to-eat foods, so kung meron po kayong... sabihin natin, maido-donate man lang, pagkain, goods or kung cash, meron po kayong extra diyan, maganda po sana kung gamitin natin ito para tumulong."
Ngayong araw ay nakatakdang sumama si Angel sa gagawing operation ng naturang organisasyon sa Pampanga.
Bagamat madaming nakukuhang tulong, aminado si Angel na hindi pa rin sapat ang kanilang nalilikom para sa lahat ng nasalanta.
"Sa totoo lang, medyo mahirap pa sa funding talaga," pahayag niya.
"Pero ongoing pa rin 'yong operation and marami pa ring parts kaming hindi pa napupuntahan para magbigay ng pagkain talaga.
"Hindi naman dito natatapos, na hindi porke't nabigyan mo na ng relief goods 'yong mga tao, hindi rin naman makatao 'yong nangyari sa kanila, e.
"After ng mga bagyo na 'to, hindi dito nagtatapos 'yon. So, sana 'wag tayong bumitaw sa pagtulong.
"Pero alam mo ang Pilipino, pagdating sa pagtulong talaga, ibang klase."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
294 matalinokaba
293 matalinokaba
292 Maton_1234
291 matalinokaba
290 Maton_1234
289 matalinokaba
288 matalinokaba
287 Maton_1234
286 matalinokaba
285 matalinokaba
284 matalinokaba
283 matalinokaba
282 matalinokaba
281 matalinokaba
280 matalinokaba
279 matalinokaba
278 matalinokaba
277 matalinokaba
276 matalinokaba
275 puckerlips143
more comments