Magkasamang dumalo sa launching ng Esquire Philippines Magazine ang rumored couple na sina Angel Locsin at Phil Younghusband.
Ginanap ang event sa The Peninsula Manila sa Makati City kagabi, October 5.
Nandoon daw sila upang suportahan ang kanilang mga kaibigan na bahagi ng pinakabagong-labas na magazine ng Summit Media.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Angel sa event.
Dito'y kinumusta namin sila ni Phil, at ang naging payak na sagot ni Angel ay: "Okey naman, masaya naman."
Naitanong din ang tungkol sa diumano'y "paghihiwalay" nila ni Phil, na sa paglilinaw ni Angel ay tungkol lamang sa magkahiwalay na trip nilang dalawa.
"Kasi nagpunta siya ng Taiwan, tapos naiwan ako dito sa Philippines, kaya naghiwalay kami!" natatawang sabi ni Angel.
"Kasi may competition siya [with the Azkals], pero magkasama pa rin naman kami sa prayers."
MORE THAN FRIENDS? Madalas na nakikitang magkasama sina Angel at Phil. Gayunman, hindi pa rin malinaw sa publiko kung ang status ng kanilang relasyon.
Inamin ni Angel na "more than friends" na sila.
Ngunit paliwanag niya, "Wala, paano ko ba e-explain... Ewan ko, parang ang dami lang kasing nag-a-assume na kami together, gano'n.
"Parang ayaw na lang namin na... para kung ano man, ang hirap i-explain, e.
"Parang kung ano man nangyayari ngayon, ayaw namin masira by doing ano man, moving forward o ano man.
"Mahirap i-explain sa tao kasi may mga kanya-kanya nang assumption.
"E, sa akin kasi, parang as much as possible, hindi naman namin pinag-uusapan 'yong buhay namin talaga, e.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
174 happygolucky
173 yzel18
172 yzel18
171 pexaddict
170 pexaddict
169 nmercade
168 Sortkwik11
167 pearl102
166 Sortkwik11
165 cygnet210
164 cygnet210
163 pearl102
162 alkassim
161 alkassim
160 pearl102
159 alkassim
158 alkassim
157 pearl102
156 Sortkwik11
155 pusongdurog
more comments