Isang nakangiting Gretchen Barretto and dumating sa Baume and Mercier timepieces press conference kanina, ilang minuto bago mag-8 p.m. sa Fashion Walk ng Glorietta 5, Makati.
She was her usual glamorous self. "Blooming" ang comment sa kanya ng isang kasamahang entertainment writer.
Pagkatapos ng maiksing programa, nagpaunlak na agad si Gretchen ng interview.
Unang tinanong sa kanya ang pagkabanggit ng kanyang pangalan sa isang memorable at quotable line sa No Other Woman, na paulit-ulit naririnig tuwing ipapakita ang trailer ng blockbuster hit.
Ito ang dialogue ni Carmi Martin sa kanyang anak, played by Cristine Reyes: "I-pack up mo na si Lucy Torres. Ilabas mo na si Gretchen Barretto. Ako na ang bahala sa red stilletos mo!"
Meaning, si Greta (palayaw ni Gretchen) ang ginawang simbolo ng isang palabang babae.
"Naging inspirasyon ko din ang No Other Woman," sabi ng aktres.
"After watching that movie, No Other Woman, sabi ko, a, panahon na talaga na lumaban in many ways.
"Ang laban, hindi naman puro tarayan at murahan, but in many other ways."
Para kay Gretchen, compliment ang paggamit ng kanyang pangalan sa dialogue sa movie.
"Sabi nga nila naka-arrive ka na daw pag ginamit ang pangalan mo [sa dialogue sa movies].
"I said, 'Oh, thank you very much.'"
BEFRIENDING CRISTINE REYES. Natanong ang isa sa mga bida ng No Other Woman, si Cristine Reyes, kung puwede raw ba niyang maging kaibigan si Gretchen Barretto.
Sagot daw ni Cristine ay mukhang di siya bagay mapalapit kay Greta dahil tingin niya ay "mataas" ito at "sosyal." Di raw gaya niya na "jologs."
"Ay naku, natutuwa ako sa mga jologs!" natatawa namang sabi ni Greta.




0

