Kung magtutuluy-tuloy ang magandang performance sa takilya ng No Other Woman, hindi malayong hiranging Box-Office Queens of 2011 sina Anne Curtis at Cristine Reyes.
At ang male lead ng pelikula na si Derek Ramsay naman ang malamang hiranging Box-Office King.
At press time, ayon sa Star Cinema ay naka-P130 million na ang nasabing pelikula sa isang linggo pa lang nito sa mga sinehan.
Ang Star Cinema at Viva Films ang producers ng pelikula.
Sa victory party ng No Other Woman noong Miyerkules, October 5, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek.
Walang pagsidlan ang kagalakan ng hunky actor sa tagumpay ng kanilang pelikula.
"I'm still on a high... nung sinabi nila kung gaano kadami ang nanonood.
"I watched from the first showing sa Rockwell. Pagpunta ko dun, nagtingin-tingin pa 'ko sa mga stores [bago pumasok ng sinehan].
"Pero pagdating namin dun sa cinema, ang haba nung pila!
"At first time kong nakita ang Rockwell nang ganun.
"Lahat ng nakapila, ang sabi nila, 'We're watching your movie.'
"Dun lang tumama sa akin na, 'Wow, napaka-ano naman ng reaction ng mga tao, nakaka-overwhelm!'
"Tapos, every day, I get texts, tweets... Even my sister who is in Lanao del Sur, nag-tweet pa sa akin kanina.
"Nanood sila at puno pa rin ang mga cinemas. So, I'm still on that high.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na it's doing so well."




0

