Kakagaling lang ni Daniel Matsunaga sa ospital noong dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Futbolilits ng GMA-7 sa Cainta, Rizal noong Miyerkules ng umaga, October 5.
"I took the wrong medicine. And then nagka-gastritis ako.
"Pero okay na ako ngayon," bawi niya tungkol sa kanyang naging kalagayan.
Nagkaroon kasi ng eye infection si Daniel noong Martes dahil sa alikabok at ulan sa paglalaro ng football.
Hindi naman daw siya na-confine sa hospital.
"Mabilis lang ako sa hospital, mga thirty minutes."
Ano yung gamot na maling nainom niya?
"A, hindi ko alam ang pangalan, e."
Sino ang nagbigay ng gamot sa kanya?
"Si Heart [Evangelista]!" at tumawa si Daniel.
Sinabihan naman daw siya ni Heart na huwag inumin ang nasabing gamot.
"Pero sabi niya, 'No, don't drink. Don't drink.' Kasi ano, e, expired!
"Pero ano, bukas [the next day], mero'n akong commercial [shoot] na bago. Bagong endorsement ko.
"So, parang I needed [to get well], di ba? Kailangan ko uminom ng gamot, so ininom ko.
"Then I started to feel bad kasi it was really strong and I didn't eat anything. So I started feeling bad.




0

