news

Bea Alonzo squashes rumor she'll move to TV5; says boyfriend Zanjoe Marudo makes her "happy"

by Arniel C. Serato posted on October 7, 2011  STATS: 1070 Views | 21 Comments

 

"Happy ako ngayon. Hindi ba ako mukhang happy? Blooming na blooming!" says Bea Alonzo about the status of her lovelife.

Photo By: Sany Chua

Usung-uso na talaga ngayon ang balitang lipatan ng mga artista.

Matapos maintrigang lilipat na raw ng network sina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Cristine Reyes, Derek Ramsay, at Sharon Cuneta, sunud-sunod naman ang blind items tungkol sa isa pang Kapamilya actress na nagbabalak diumanong lumipat sa TV5.

Ayon sa mga blind item, nakipag-meeting na raw ang young actress na ito sa ilang executives ng TV5.

Kalaunan, pinangalanan na rin ang Kapamilya young actress na lilipat sa Kapatid network—ito raw ay si Bea Alonzo.

Pinabulaanan na ito ni Bea sa mga naunang interview sa kanya.

Pero hindi pa rin talaga tumitigil ang isyung ito dahil lumabas naman ang balita na sa nalalapit na selebrasyon ng kanyang birthday—October 17—inimbitahan diumano ni Bea ang ilang Kapatid stars.

Hudyat na kaya ito na may mga pag-uusap talaga ng kanyang paglipat?

RUMOR HAS IT. Sa launch ng Esquire Philippines noong Miyerkules, October 5, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea pagdating nito sa The Peninsula Manila kasama ang boyfriend na si Zanjoe Marudo.

Nilinaw namin kay Bea kung ano nga ba ang katotohanan sa balitang lilipat na siya sa TV5.

Aniya, "Wala. Kasi matagal pa ang contract ko sa ABS-CBN."

Pero may pag-uusap ba o meeting kasama ang ilang TV5 executives?

"Wala pa naman. Matagal pa kasi kontrata ko sa ABS," giit ng aktres.

Ibig kayang sabihin nito ay contented siya sa takbo ng kanyang career sa ABS-CBN?

Maiksi pa rin ang sagot ni Bea sa tanong na ito, at paliwanag niya: "So far, yeah."

HAPPY WITH ZANJOE MARUDO. Hindi man nagpaunlak ng panayam si Zanjoe Marudo, na kasintahan ni Bea, malugod namang sinagot ng dalaga ang mga tanong tungkol sa kanilang relasyon.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  kiray06

    10/08/2011 | 01:53 PM
    chaka naman kung lilipat si Miss Bea dun puro laosian deep dun hahaha di pa naman laos si Bea diba.?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  mchaella

    10/08/2011 | 10:49 AM
    Betina- nakita ko nga clue nila sa FB was roses na pertaining pala kay mrs padilla not to her!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  koolets

    10/08/2011 | 10:40 AM
    gusto maging katulad nea blooming
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  posh123

    10/08/2011 | 10:36 AM
    advance happy birthday Bea Alonzo..may the Dear Lord blesses you E V R Y T H I N G in this world..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  koolets

    10/08/2011 | 10:30 AM
    laki ng ginanda at pinayat nea
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  streetfighter

    10/08/2011 | 04:02 AM
    Kaka sign lang niya noong march ng contract sa ABS so why may nagkakalat na magta transfer?...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  streetfighter

    10/08/2011 | 04:00 AM
    nagbigay lang invitation si Bea para sa party niya ngayong saturday kila Alex and CF lilipat na?... binigyan ng meaning over naman
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  judelaw

    10/08/2011 | 03:50 AM
    sexy sexy mo ngayun bea...!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  good_vibes

    10/08/2011 | 03:46 AM
    Malayong lilipat si BEA kasi si Mr.M at Direk Lauren ang mga tumayong Tatay nya at sa poder na siya nagdalaga at isa pa kakapirma palang niya nitong march!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  good_vibes

    10/08/2011 | 03:42 AM
    Ang hirap sa singko sinisilaw nila sa talent fee! Name ur price ang drama nila makuha lang nila! Sana ang ginagawa nila pinapa linaw muna nila ang channel nila sa mga karatig na lugar! Sa bacolod walang channel 5!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  love2love

    10/08/2011 | 03:38 AM
    baket pirata ng pirata ang tv 5 kahit naka contract pa???dapat magpa audition sila ng new talents!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  love2love

    10/08/2011 | 03:37 AM
    pls wag ka lilipat kasi walang TFC ang tv 5 like na like to see u here in abroad
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • freshbreath

    10/08/2011 | 03:34 AM
    na notice ko ang ganda ganda at ang payat payat na ni bea ngayon. happy ako for u bei.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BETINA

    10/08/2011 | 03:32 AM
    ang naging clue lang roses, yun pala naman si mariel na asawa ni Robin na ka partner ni Bea sa guns and roses
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BETINA

    10/08/2011 | 03:31 AM
    saan ba nag start ang chismis na lilipat siya? sa fashion pulis? wala naman matinong BI yun eh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mchaella

    10/08/2011 | 03:12 AM
    I love this girl!!! go girl more success and stay happy!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • eminem

    10/08/2011 | 03:02 AM
    bakit gusto niyong palipatin si Bea sa tv5, eh siya ngayon ang reyna sa star magic after claudine barreto left, sabihin niyo nga kung sino ang alam niyo sa mga taga SM na mas mataas sa kinalalgyan ni Bea ngayon? sa tv5 parang isang bagyo lang yan, sa una lang maganda dahil malaki raw ang TF, pero kundi naman pinapasok ng mga ads ang shows wala rin, sabihin na nating stable ang kita pero mawawala naman ang ningning ng bituin mo, unti unti ka ring lulubog hanggang sa malimutan ka na, babay na rin sa career
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • beybong

    10/08/2011 | 01:42 AM
    Go Bea! Go na sa TV5! Mas masaya sa Happy Network!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thata1980

    10/08/2011 | 01:33 AM
    aanhin naman kung maraming shows sa ibang channel kung agad tsutsugihin? lol..eh kung wala namang advertisers? wala din di ba? la-laos din..tulad ng ibang lumipat..eh maraming shows, mababa naman ang ratings..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • londongirl

    10/07/2011 | 09:36 PM
    I hope lumipat na sa TV5 si Bea,kasi sobra dami ng mga taga Star magic hindi na maasikaso ang mga ibang talents.Sa TV5 marami syang magiging projects dahil mahusay naman talaga syang Actress.GO GO GO Bea kahit saan ka lumipat na network,I will keep supporting you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About