[x]

"Parang it immortalizes the show. Na hindi naman sa pagyayabang, palagay ko tama lang, being the longest running show in the Philippines," says Vic Sotto about the coffeetable book Ang Unang Tatlong Dekada, which chronicles 3o years of Eat Bulaga!

Photo: Noel Orsal

Tila hindi pa rin makapaniwala ang TV host-actor at Box-Office King na si Vic Sotto na tumagal na ng mahigit tatlong dekada ang kanilang noontime show na Eat Bulaga!.

Nagsimula noong 1979, ngayong taon ay ipinagdiriwang ng Eat Bulaga! ang ika-32 anibersaryo sa ere.

At bilang paggunita sa mahalagang okasyong ito, inilunsad ang coffeetable book ng Eat Bulaga!, ang Unang Tatlong Dekada, na ginanap sa Whitespace sa Chino Roces Avenue Extension, Makati City, kagabi, Oktubre 6.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vic, ipinarating niya ang tuwa at pasasalamat sa natamong tagumpay ng show nila nina Tito Sotto at Joey de Leon.

"Of course, happy, proud, and thankful," sambit ni Bossing (tanyag na palayaw ni Vic).

"Parang I feel like a historical figure right now.

"And with this book, matagal plinano... Parang what Ms. Fagar [Malou Choa Fagar, vice president of TAPE, Inc.] said kanina, parang it immortalizes the show.

"Na hindi naman sa pagyayabang, palagay ko, tama lang, being the longest-running show in the Philippines.

"And, 'yong mga nagawa ng Eat Bulaga! sa entertainment, sa public service... I mean, it's a whole package, e."

Gayunpaman, pakiramdam daw ni Bossing ay wala pa ring nagbabago sa kanilang samahan—lalo na sa kanilang tatlo nina Tito at Joey.

"I don't know, parang walang nagbago, e," nakangiting sabi ng box-office king at top endorser.

"I look at Tito, I look at Joey—ang nagbago lang, 'yong mga kasama namin. Kami, 'yon pa rin ang itsura, e... I don't know.

"Siguro, nando'n na 'yong samahan, e, 'yong pagkakaibigan, 'yong loyalty sa isa't isa.

"Tulad ng nabanggit ni Tony [Tuviera, TAPE president] kanina, wala kaming kontrata, wala kaming memorandum of agreement, or anything.

"It was all about pakisama, it's all about loyalty, it's all about having fun with everyone."