[x]

 

Joey de Leon on Eat Bulaga! beating around 25 noontime shows over the past 32 years: "E, yun ang importante diyan, e—yung patagalan. Nando'n ang labanan niyan, sa patagalan. Kaya ngayon lalo naming hindi inaano dahil ang tagal na namin, nag-ugat na kami. So, mahirap na."

Photo: Noel Orsal

Ayon sa veteran TV host-comedian, "Siyempre, ayoko mang sabihin, siguro ako na ang pinaka-excited dahil ako ang nagbigay nung title, e, di ba?"

Ang tinutukoy ni Joey ay ang mismong titulo ng kanilang programa—Eat Bulaga!.

Dagdag pa niya, "Parang naiiyak-iyak ka na, e. Kaya nakakatuwa.

"Pag nakikita ko nga yung mga litrato...hindi mo akalaing ganun."

Biro pa niya sa press, "Well, sana magkausap tayo ulit sa second book namin, yung 'Ang Pangalawang Tatlong Dekada!'

"May mga litrato na ng mga biyahe 'yon, kasama na yung mga taga-press..."

Nabanggit ni Joey na ilan sa mga litratong nakasama sa libro ay kuha niya.

"May mga ibinigay ako."

JAKO DE LEON. Ayon nga sa magandang misis niyang si Eileen Macapagal, na nakausap nang matagalan sa book launch ng editor ng PEP.ph na si Jo-Ann Maglipon, marami-rami rin sa mga litrato ang galing mismo kay Joey.

Ito ay dahil na rin sa chronicler daw talaga ang mister niyang komedyante at host.

Mahilig daw itong mag-scrapbook, mag-frame, mag-label, at magtago ng anumang bagay na pinagdaraanan niya, ng kanyang pamilya, ng mga biyahe nila, pati na ang mga pinagdaanan ng kanyang programa at pelikula sa maraming taon.

Ma-sentimiyento talaga si Joey, pag-admit ni Eileen, na minsa'y naging female co-host din sa Eat Bulaga!

Tumatatak daw kay Joey ang mga bagay-bagay.

Kaya nga raw mabilis itong mag-react—natutuwa, naiinis, naiiyak, nagagalit, napapayakap, napapasulat.

"Pero yong galit, agad namang nawawala," dagdag ni Eileen.