Daniel Padilla doesn't mind working with his famous uncle, Robin Padilla. He would rather not work with his mom, actress Karla Estrada.

"Ayoko po! Ayoko, maiilang ako. Sobrang maiilang ako," Daniel says laughing.

 

 

Photo: Noel Orsal

Two years and five months na sa showbiz ang young male star na si Daniel Padilla. Ano kaya ang mga naging pagbabago sa kanyang buhay?

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, October 4.

"Nag-mature na ako ngayon. Tsaka naging mas kumportable na ako sa showbiz. Dati kasi parang ayoko pa, e. Parang hindi ko pa kasi naiintindihan yung craft ko or hindi ko pa...gusto ko lang nung bata ako, gusto ko lang mag-enjoy noon," umpisang kuwento ng 16-year old na si Daniel.

Alam naman raw niya kahit noon pa na hindi maiiwasan na pasukin rin niya ang showbiz dahil parehong artista ang mga magulang niya, sina Karla Estrada at Rommel Padilla.

"Kasi nasa dugo na din daw yun, iyon ang sabi ni Mama."

On being a Padilla...

"Masaya kasi andun na yung kahit hindi ka artista, matutuwa pa rin sila sa iyo pero nandun din yung kaba kasi ang taas din ng expectations ng tao sa iyo."

Nararamdaman niya ang mga expectations ng mga tao sa kanya, coming from a famous showbiz clan. 

"Opo, may mga nagsasabi na, 'Magaling ba yan umarte? Parehong artista ang mga magulang niyan.' So laging sa mga take, sa mga scenes, lagi kong ginagalingan talaga," ang natatawang sinabi ni Daniel.

"Kasi dala ko din ang pangalan ng mga magulang ko."

Pati na rin ang pangalan ng sikat niyang uncle na si Robin Padilla.

KEEPING UP WITH THE PADILLAS. Mahirap ba ang comparison?

"Opo mahirap din po. Ayoko din kasi yung kinukumpara ako kay Tito Robin, ayoko. Kasi iba naman po ako sa kanya."

Gusto rin ba niya ng bad boy image tulad ni Robin?