Derek Ramsay graced the Gabay Guro Grand Gathering held yesterday, October 9, at the SM Mall of Asia Music Hall. The hunky actor brought along his parents (inset) to the annual tribute to teachers from all over the country. The event coincides with World Teachers' Day, held annually on October 5.

Photo: Glen P. Sibonga

Pinagkaguluhan si Derek Ramsay ng mga guro mula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas sa ginanap na Gabay Guro Grand Gathering kahapon, October 9, sa SM Mall of Asia Music Hall.

Ang event na ito, na isinasagawa taun-taon simula noong 2007, ay handog ng PLDT-Smart Foundation para sa mga guro kaugnay pa rin ng selebrasyon ng Teacher's Day noong October 5.

Kasama ni Derek na pumunta sa event ang kanyang mga magulang.

Ayon kay Derek, pangalawang taon na niya itong nagbibigay kasiyahan sa mga guro na sinimulan niyang gawin noong isang taon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek bago siya umakyat ng stage at ibinahagi niya kung paano niya pinahahalagahan ang mga guro.

Aniya, "You know, napaka-importante ng mga guro sa buhay ng isang tao.

"If I am to say the most important people who made me the way I am today, it would be God, my mom, my dad, and the teachers who taught me everything I know.

"So, this is my way of giving back and giving honor to them in this special day.

"I told them last year that if I'll be invited again, expect me to come.

"I'm glad that I am here again. So, next year din sana," sabi ni Derek.

Bukod kay Derek, ang iba pang celebrities na nagpasaya sa event ay sina Rhian Ramos; Aljur Abrenica; Eat Bulaga! Dabarkads Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Wally Bayola; EB Babes; 2011 Miss Earth-Philippines Athena Mae Imperial; at Ricky Reyes, na nagbigay ng libreng makeover at gupit sa mga guro.

Feeling nga ni Derek, in one way or another, ay nagsilbi rin siyang teacher sa mga contestant ng katatapos lang na The Biggest Loser Pinoy Edition, kung saan nagwagi si Larry Martin. (CLICK HERE to read related story.)

"Somehow, naging teacher din ako by sharing sa mga contestant yung mga alam ko on healthy living and staying fit, as well as losing weight.

"As the show's game master, I'm so happy to see them sa grand finals, all looking good and happy."

THE NEXT BOX-OFFICE KING? Samantala, overwhelmed pa rin si Derek sa malaking tagumpay sa takilya ng pelikula niyang No Other Woman, kung saan kasama niya sina Anne Curtis at Cristine Reyes.