"Nando'n na siya, lumipat na siya sa kabila," umaarteng malungkot na sabi ni LJ Reyes tungkol sa paglipat ng kanyang boyfriend na si Paulo Avelino sa ABS-CBN.
Pero bawi niya, na nakangiti na, "Ako naman, I'm happy for him.
"I'm very happy for him, because he's taken good care of, doon sa kabila."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa taping ng dance-serye ng GMA-7 na Time of My Life noong October 6, Huwebes, sa Studio 7 ng GMA-7 Network Center.
Paano sinabi ni Paulo sa kanya ang desisyon nitong paglipat sa ABS-CBN?
"Uhm, siyempre, di ba, pag may mga ganyang bagay, importanteng bagay, na kailangan mong gawan ng desisyon, siyempre sasabihin niya sa taong pinakamalapit siya.
"Sinabi naman niya sa akin na, 'Ganito, may offer, blah, blah...'
"Tapos, tinatanong niya ako kung okay, or kung ano dapat desisyon niya.
"Pero sabi ko sa kanya, 'No, you make your own decision. These are the pros and cons, but you have to make your own decision."
Kumusta naman daw si Paulo sa Kapamilya network?
"Okay siya, happy siya do'n," masayang tugon ni LJ.
"Magaganda kasi yung projects na binibigay sa kanya.
"At feeling ko, nae-excite siya kasi, ano, e, magaganda talaga yung binibigay.
"So, napi-feel niya na maggo-grow siya as an actor, na yun yung hinihingi niya, e, yun yung gusto niya."




0

