news

Aiza Seguerra on Eat Bulaga!: "It feels like coming home talaga, it's home."

by Jocelyn Jimenez posted on October 10, 2011  STATS: 16658 Views | 16 Comments

 

"I don't think I'll be here, you know, lahat, lahat ng natutunan ko sa trabaho na 'to is all because of them. Yung friendship, yung marunong ka mag-honor ng loyalty, at ng kahit walang kontrata kaya mong makipagtrabaho sa tao, I got it from them," says Aiza Seguerra about being part of Eat Bulaga!.

Photo By: Noel Orsal

"It feels like coming home talaga, it's home."

Ito ang naramdaman ng dating child star na si Aiza Seguerra sa kanyang pagdalo sa launching ng Eat Bulaga! coffee table book noong Oktubre 6, Huwebes, sa Whitespace sa Chino Roces Avenue Extension, Makati City.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza, at inamin niyang naging malaking bahagi ang naturang show sa kanyang buhay.

"Hindi lang sa showbiz career, e, pati sa buhay," sambit niya.

"Actually, work ethics ko ngayon, lahat ng mayroon ako ngayon, it's all because of Eat Bulaga!, e—sina Mr. [Tony] Tuviera and the whole gang.

"I don't think I'll be here, you know, lahat, lahat ng natutunan ko sa trabaho na 'to is all because of them.

"Yung friendship, yung marunong ka mag-honor ng loyalty, at ng kahit walang kontrata kaya mong makipagtrabaho sa tao, I got it from them."

WORKING ON PROTEGÉ. Samantala, bukod sa kanyang gigs at appearance sa ABS-CBN show na ASAP Rocks, abala rin si Aiza sa pagme-mentor sa show ng GMA-7 na Protegé.

"I'm enjoying Protegé so much!" bulalas niya.

"Actually, kahit ako, madami akong natututunan.

"And it's also good na parte ka ng paglago ng isang tao.

"So, 'yon, I like that feeling."

Kung tutuusin, ang ginagawang pagme-mentor ni Aiza sa kanyang Protegé na si Krizza Neri, ay maihahalintulad sa ginawang paghubog sa kanya ng Eat Bulaga!.

 

Gayunman, para sa kanya'y hindi ito mahirap gawin.

"I don't find it hard kasi ano, e, na-instill nila sa akin 'to, yung values na meron ako, yung sa pagtatrabaho, yung professionalism, na-instill nila sa akin nang todo-todo.

"And, once it's normal sa 'yo na gano'n, wala na, parang wala ka nang ibang gustong gawin kundi i-share na sa ibang tao.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  chipie1187

    11/10/2011 | 02:14 PM
    To all of Aiza's fans and believers of Krizza Neri, let's help them win.. To Vote Sunday 8pm-10pm, type PROTEGE KRIZZA and send to 2344 for Globe, TM, Sun Subscribers and 367 for Smart and Talk and Text Subscribers.. Thank You All..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  kilabotako

    10/12/2011 | 10:31 PM
    pwedi ba,,lahat ng mga stars naman karapatang mamili at lumipat,,sa showbiz po walang permanente,.lahat nagbabago,,ok,,well,matagala na kase ang eat bulaga,,wat is gud fot his show is,,walang nega na isyu na narinig,,maganda ang samahan ng tao at andun yung proffesionalism sa work,,trabaho is trabaho,,diba,yun naman ang dapat,,cooperation at team work para sa isang show to make it better,,ganun dapat,,walang siraan at walang inggitan kase at the end,,ang show ang masisira at ang tao ang mamimili din naman,bilang star,nagwowork kalang naman,,.saka,,choosing the ryt o sincere o mga positive na tao at iwasan ang mga nega na tao na syang sisira sayo,.mga oa-cheap-feeeling-maaasim ang mg face-nega kung magcomments sa kapwa-mga insecure-inggit at yabangerzs,.mabuhay ang eat bulaga,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  babaylan2011

    10/11/2011 | 01:47 AM
    NICE! Toni Gonzaga should learn that, but I guess she didn't stay long enough to acquire those qualities.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Space_Ace

    10/10/2011 | 07:45 PM
    at number 7... oo naman alam ni aiza ang tungkol sa loyalty. hindi naman cya kagaya ni toni g.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  macmack213

    10/10/2011 | 07:16 PM
    im a fan. galiong nya sa asap
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  aaronick

    10/10/2011 | 06:14 PM
    magsasaka, mali po. Ang exact na sinabi ni Aiza ay, "I'd rather be good than famous." It's about her frustrations nowadays about artists who'd rather want to be famous than to be good in their craft. So tama rin yun. Yung popularity, nawawala. But good talent prevails.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  fujiko77

    10/10/2011 | 06:00 PM
    bet ko protoge ni Jaya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • magsasaka

    10/10/2011 | 05:14 PM
    Sa nakaraang article ni Aiza, sinabi nya na "It is better to be popular than famous." ngayon It is better to be faithful than famous. mabuhay ka Aiza!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lessur143

    10/10/2011 | 05:12 PM
    love u aiza!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182395

    10/10/2011 | 05:06 PM
    Loyalty??? - alam kaya ni Aiza ang meaning ng loyalty??? helur!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aaronick

    10/10/2011 | 04:21 PM
    Ang sarap basahin ng artikulo dahil napaka-positive ng aura. Sana walang nega dito na sisira sa maganda atmosphere ng article. And saludo ako kay Aiza. Saka hindi lang yugn loyalty. Yung PAGTANAW NG UTANG NA LOOB ay isa pang magandang ugali na makikita mo dito. Yun lang kilalanin ni Aiza ang EB na siyang naghubog ng kanyang pagkatao, personal man or sa karera, malalaman ng mga mambabasa kung anjong impluwensiya ang naiparating nmg EB hindi lang sa masang Pinoy kundi sa mismong mga taong naging bahagi ng EB. At hindi kababawan yan ha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapusoakotalaga

    10/10/2011 | 04:13 PM
    i like protege, bet ko sila lyra,itong kay aiza si nomer,saka ung kay claire dela fuente ..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diwata66

    10/10/2011 | 04:09 PM
    one thing na nagustuhan ko sa EB is that they support the 3rd sex...malaking factor ang pag -out ni aiza ang support ng EB specially si Bossing....They were all there for her lalong lalo na nasa showbiz sya and they encourage and pave way para sa pag-out nya.....ganyan din ang ginawa at ginagawa nila kay paolo. Hindi sila naging judgemental.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chewpot

    10/10/2011 | 02:40 PM
    KOREK Aiza....bawal ang mga ingrata dito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zama_jap

    10/10/2011 | 02:20 PM
    gudjob aiza..lab u!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Clara Pastor

    10/10/2011 | 02:19 PM
    exactly Aiza loyalty is more important,dahil sa kung saan ka una nakilala hanggang sumikat ay hindi mo binibitiwan ang nagpakilala sa yo sa kung ano na rin ang narating mo..di tulad ng iba money,or to widen their horizon ang kanilang reason kuno sa paglipat-lipat..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About