Showtime director Bobet Vidanes: "Base sa eviction rules ng Showtime, hindi po namin maaaring payagan ang pakiusap ni Dimples na ibalik si Ryan Bang at siya ang pumalit sa kanyang iiwang puwesto... Ngunit ang programa pa rin ang may desisyon kung sino ang huradong ipapalit sa kanya. Samantala, bilang pagkilala sa resulta ng botohan, si Ryan Bang ay mananatiling burado bilang isang hurado."

Photo: Noel Orsal

Nagkaroon ng isyu ang naganap na eviction ng mga hurado sa morning talent show ng ABS-CBN, ang Showtime, noong Sabado, October 8.

Sa nangyari kasing botohan sa loob ng isang linggo, kung saan pinagsama ang mga boto mula sa live audience at text votes mula sa viewers, lumabas na dalawang hurado spots ang mabuburado o matatanggal.

Una ngang in-announce ang pagiging burado ng Umagang Kay Ganda hosts na sina Andrei Felix at Jeffrey Tam, na naging judge at ibinoto bilang isang spot.

Sumunod na inihayag ang pagiging burado ng former PBB Teen housemate na si Ryan Bang, na hindi ine-expect ng lahat.

EMOTIONAL EVICTION. Nag-iiyak na nga si Ryan nang makumpirmang burado na siya.

Naging emosyunal din ang atmosphere sa buong studio na maging ang live audience ay nakiiyak kay Ryan.

Matagal na kasing binibiro ng Showtime hosts si Ryan na siya na ang susunod na mabuburang hurado. Pero lagi nga itong nasasagip sa pagkakatanggal.

Noong Sabado nga ay naganap na ang hindi nila inaasahan.

Hindi lang si Ryan at ang audience ang naging emosyunal kundi maging ang mga host ng show na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

Pero ang tumodo sa pag-iyak ay ang "unevictable hurado" na si Vice Ganda, na nagsilbing nanay-nanayan ni Ryan.

Naging emosyunal din pati ang mga natirang hurado na sina Jhong Hilario at Dimples Romana.

Itinuring na kasi nilang Kapamilya sa show si Ryan dahil sa tagal nito bilang hurado.

Sa loob ng 48 weeks na pagiging hurado, si Ryan na ang may hawak ng record na "longest-standing Showtime hurado."

Pero ikinagulat din ng lahat ang sumunod na kaganapan sa show dahil nag-self evict si Dimples at ibinigay ang hurado spot niya kay Ryan.

Ayon kay Dimples, "I saw how much you love Ryan and since I still have my seat, I think I have the power to give Ryan back my seat. Ryan will have my seat.