Gelli de Belen on her first show on TV5 before and her return to the said network: "Six years old lang ako nun, so medyo okay lang. Okay lang naman, 'no. Pero, ang tagal na rin talagang hindi ako nakakalabas sa Channel 5. And I'm happy and excited to be back."

Photo: Noel Orsal

Magbabalik na sa kanyang dating "tahanan" si Gelli de Belen.

Noong 1994, matatandaang naging bahagi si Gellie ng sikat na sikat noong gag show ng ABC-5—ang Tropang Trumpo.

Tumakbo nang halos limang taon sa ere ang nasabing comedy show ng Singko.

Kasama noon ni Gelli sina Ogie Alcasid at Michael V, na pareho nang nasa GMA-7 hanggang ngayon.

Four years din ang inilagi ni Gelli sa show bago siya lumipat sa ABS-CBN para mapasama sa noontime musical-variety show na 'Sang Linggo nAPO Sila.'

Kahapon, October 9, sa Paparazzi Showbiz Exposed, isang panayam ang  pinaunlakan ni Gelli kasama ang isa sa mga host ng show na si Ruffa Guttierez.

Pagkatapos ng halos labingwalong taon, muling umapak si Gelli sa tahanan ng ngayo'y tinatawag nang Kapatid Network, o TV5.

Aniya, "Tropang Trumpo was 1993, '94, '95, I think. Yes, but I was only six [years old] then!" natatawang biro niya.

"Six years old lang ako nun, so medyo okay lang. Okay lang naman, 'no.

"Pero ang tagal na rin talagang hindi ako nakakalabas sa Channel 5. And I'm happy and excited to be back."

HER NEW SHOW. Ginanap ang panayam ng Paparazzi kay Gelli sa taping ng bago niyang show sa TV5, ang Gelli-cious, isang food magazine show na malapit nang ipalabas sa istasyon.

"Okay, we're not going to be cooking. We're not... we're going to be tasting food from everywhere.

"So, yung mga interesado sa food, yung mga foodies, marami silang madi-discover na delicious," pahayag ni Gelli tungkol sa bago niyang show.

Daily raw ang show na ito at tiyak na maraming matututunan ang mga manonood sa paboritong paksa ng mga Pinoy—ang pagkain.

THE WIFE. Ipinahayag naman ni Ruffa ang kanyang paghanga sa actress-TV host dahil pinalaki nina Gelli at asawang si Ariel Rivera ang kanilang dalawang anak, sina Joaqui at Julio, na walang yaya.