Rosanna Roces reveals falling in love with Ted Failon before; says doing laundry is her therapy and breather from showbiz

Arniel Serato
Tuesday, October 11, 2011 @ 09:08AM  |  296 views

 

Rosanna Roces on her claim that she had a relationship with Ted Failon: "Hindi naman. Wala pa naman sa ano yun, e... Tsaka bata pa ako nun, 20. Nanligaw naman [siya]. Hindi basta ano, one-night stand. Hindi. Napaka-gentleman [ni Ted]."

Photo By: Noel Orsal













Nagpaliwanag na si Rosanna Roces tungkol sa naging pahayag niya sa podcast ni Mo Twister na may namagitan diumano sa kanila noon ni Ted Failon.

Sinabi kasi ni Osang (sikat na palayaw ng aktres) sa naturang panayam na ang pinaka-hindi raw niya makakalimutan sa mga nakarelasyon niya ay ang ngayo'y batikang radio commentator at newscaster ng ABS-CBN.

Sa segment ni Dolly Anne Carvajal na "Hello Dolly" sa Paparazzi Showbiz Exposed noong Linggo, October 9, ay ipinaliwanag ni Osang kung ano ang namagitan sa kanila ni Ted.

"Hindi naman. Wala pa naman sa ano yun, e... Tsaka bata pa ako nun, 20.

"Nanligaw naman [si Ted]. Hindi basta ano, one-night stand. Hindi. Napaka-gentleman [niya]," sabi ng kontrobersiyal na aktres.

Tanong ni Dolly Anne, love kaya ang kanilang naramdaman noon sa isa't isa?

Ayon kay Osang, pag-ibig daw talaga yun.

Kaso, naunsiyami raw ito dahil "nag-asawa na ako," aniya pa.

PRESENT  LOVE LIFE? Kumusta naman ang puso ng isang Rosanna Roces ngayon?

"Ngayon, blangko," sagot niya.

"Kasi, araw-araw taping. Nawawalan na ng panahon sa mga bata [mga anak at apo].

"So, kailangan ay hindi yung focus [ko], masisira. Mawawala.

"Mas gusto ko yung distraction."

Meaning, ayaw raw muna niya ng inspirasyon.

"Tama lang yung text-text lang muna."

1  2  3  4  Next »

Related Articles

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name